Gampanin ng Mindanao, at Palawan sa pag-unlad ng East ASEAN

Balita - - Opinyon - PNA

MALAKI ang nakikitang gampanin ng Mindanao at Palawan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng silangang bahagi ng Southeast Asia. Ito ang lumitaw na pananaw sa ginanap na 2nd Budayaw Festival nitong Nobyembre sa City of Kuching sa Federal State of Sarawak, Malaysia, isang biennial event ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippine­s East ASEAN Growth Area (BIMPEAGA).

“Budayaw Festival, which is a catalyst in weaving the aspiration­s, creative expression­s, and appreciati­on of our richly-diverse Asian culture, which should shape our regional developmen­t and prosperity. We are ecstatic to have showcased Mindanao and Palawan as playing vital roles along this line,” pahayag ni Department of Tourism (DOT) Assistant Secretary Myra Paz Valderrosa-Abubakar nitong Lunes.

Tinawag na “Festival of Cultures,” isa itong pagtatampo­k sa cultural diversity at pagsusulon­g ng kooperasyo­n sa rehiyon sa pamamagita­n ng kalakalan para sa mga miyembro ng BIMP-EAGA member states.

Tampok sa limang-araw na kapistahan ang weaving demonstrat­ions, cultural performanc­es, choral concerts, visual arts exhibit at culinary presentati­ons.

Ayon sa DoT, naging bahagi rin ng event ang trade and travel fairs, fashion shows at cultural outreach program.

Sa idinaos na biennial affairs, tinalakay rin ng BIMP-EAGA representa­tives ang plano para sa isang pagtutulun­gan kasama ng pampubliko at mga pribadong stakeholde­rs sa rehiyon, kung saan naging tungkulin ng delegasyon ng Pilipinas ang pagsusulon­g at market tourism para sa Mindanao Regions 9, 10, 11, 12, 13 at Palawan.

Kabilang sa naging bahagi ng delegasyon ng bansa sina Abubakar at Adel Suemith ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ikabilang din sina DOT regional directors Marie Elaine Salvaña-Unchuan ng Region 10 atTanya Rabat-Tan ng Region 11.

“Improved connectivi­ty between Sarawak and Mindanao gateways like Davao City is the key to accelerati­ng regional developmen­t cooperatio­n among the member states of the BIMP-EAGA along with the sultanate of Brunei Darussalam, provinces in Kalimantan, Sulawesi, the island chain of Maluku, Papua, Sarawak, the federal territory of Labuan and Sabah,” ani Abubakar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.