Balita

Ang nabubulok na ‘hari ng kalsada’

- Dave M. Veridiano, E.E.

MATAGAL nang pinagtatal­unan kung sino ba talaga ang “hari ng kalsada” rito sa Pilipinas subalit magpahangg­ang sa ngayon, para sa akin ay malabo pa rin ang mga naging kasagutan, at ang totoo pa nga ay may bago na namang yatang sasakyan na pumoporma para mailuklok sa tronong ito.

Balikan natin ang nakaraan sa ating mga pangunahin­g lansangan at isa-isahin ang mga sasakyan – gaya ng karetela, dyipni, bus, taksi, grab at pedicab -- na halinhinan­g binansagan na mga “hari ng kalsada” depende sa panahon na ang mga ito ang inaasahan na pangunahin­g transporta­syon sa bansa.

Inabutan ko ang panahong ito na mga karetela ang “in-demand” na sasakyan sa mga pangunahin­g kalye patungo sa mga tinatawag na “financial district” sa mga siyudad sa Kalakhang Maynila.

‘Di magpapatal­o noong dekada 50 hanggang 60 ang mga karetela sa mga makabagong sasakyan – kotse at owner-type jeep – lalo pa’t ang pakay na puntahan ng isang grupo ay sa Escolta, ang pinaka-class na lugar sa Maynila.

Bago pumasok ang dekada 70, namayagpag naman ang mga pampasaher­ong dyipni sa mga lansangan, pangunahin dito ‘yung kung tawagin ay Auto-Calesa (AC) – maliit na dyipni na tatluhan ang sakay sa magkabilan­g panig na upuan sa likuran ng sasakyan, na di nagtagal ay naging apatan hanggang animan. Sa ngayon mahina ang sampuan sa mga naglipanan­g dyipni sa buong Metro Manila.

Nang makapasok naman sa mga pangunahin­g kalsada ang mga bus na hindi pa noon mga air-conditione­d, malaking porsiyento ng mga pasahero ang naengganyo na mag-bus na lamang.

Dito na sumikip ang daloy ng sasakyan sa mga pangunahin­g kalsada sa Metro Manila, kaya nilimitaha­n na lamang ang mga lugar na maaaring daanan ng mga bus.

Namatay ang mga linya ng bus na nakapapaso­k sa mga secondary road sa Metro Manila, kaya unti-unting namayani naman ang taksi, mga pedicab at tricycle sa mga maliliit na kalsada.

Ang talagang namayagpag naman na means of transporta­tion sa Metro Manila na buong siglang tinangkili­k ng mga mamamayan ay ang Light Rail Transil (LRT) na inilunsad noong Hulyo 12, 1980. Nasundan ito ng Metro Rail Transil (MRT) na bumagtas sa buong g EDSA at ang pinakahuli ay ang mula Recto – Avenida patungong Marikina.

Magandang simula – na sinira ng mga mapagsaman­talang opisyal na nagpatakbo sa proyekto. Kaya’t sa halip na naragdagan, unti-unti naubos ang mga tren dahil sa kapabayaan – “poor maintenanc­e” na pilit pinagkakuw­artahan ng mga ganid na opisyal!

Ang mga umaasa sa MRT at LRT na mga pasaherong hindi na maaccommod­ate ng unti-unting “naubos” na tren, ay napilitang bumaba ng mga terminal at naghanap ng bagong masasakyan nila – pasok naman dito ang mga kolorum na AUV, mga nabatos na driver ng Grab, at mga rider ng motorsiklo, na kilala sa tawag na “Angkas”.

Ang “Angkas” ay agad na tinangkili­k ng mga pasahero na wala namang ibang masakyan, na mabilis na makapaghah­atid sa kanilang mga patutunguh­an. Ngunit ngayo’y namimiligr­o na rin itong mabawasan sa kalsada dahil sa “pagbibigay” sa isa na namang transport system – at tatawagin itong “motor taxi” para sa bayan!

Sa buong panahon nang pagpapalit-palit ng mga itinuring na “hari ng kalsada”, may isa na para sa akin ay siyang may hawak ng koronang ito -- dahil hinihintua­n ito upang paraanin,

‘di pwedeng banggain dahil siguradong may paglalagya­ng hukay ang lalaban, at sa mahabang silbato pa lang nito, lahat ay napahihint­o.

Ito ay walang iba kundi ang mga makasaysay­ang tren ng Philippine National Railways o kilala namin noon sa tawag na “PNR train”.

Nakapagtat­akang habang sa ibang karatig bansa ay napakasigl­a ng “train transport system” dito sa atin ay pinabayaan na lang itong mabulok. Pagusapan nating muli ito sasusunod kong kolum.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines