Ayaw makipagbre­ak ng nobyo

Balita - - Opinyon - Gina de Venecia

DEAR Manay Gina, Walong buwan na ang tagal ng aking relasyon sa aking nobyo. Mahal ko naman siya, pero nitong mga huling linggo,

nakadama ako ng pagdududa sa kanyang katapatan. Malakas po ang kutob ko, na may kinahuhuma­lingan siyang iba. Pero nang sinita ko siya tungkol dito, hindi ko siya napa-amin. Ganoon pa man, hindi pa rin mawala ang aking suspetsa. Dahil dito, malaki na ang ipinagbago ng aming relasyon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Nagbago na ang aking damdamin at I’m sure, nararamdam­an niya ito. Sinubukan kong makipagkal­as sa kanya pero ang sabi n’ya, hindi daw kami pwedeng mag-break hangga’t hindi siya ang nagsasabi.

Susie

Dear Susie,

Huwag kang magatubili­ng deretsahin siya at sabihing panahon na upang umalis siya at ang kanyang ‘control freakery’ sa ‘yong buhay.

When a lady says it’s over, it’s over. Hindi ka niya puwedeng piliting manatili sa relasyon kung ayaw mo na. Kung sakaling magiging agresibo siya at ipagpipili­tan pa rin ang gusto niya, huwag kang magatubili­ng

humingi ng tulong sa maykapangy­arihan. In which case, the police will tell him it’s over.

Nagmamahal, Manay Gina

” Courage is the art of being the only one who knows you’re scared to death.”----- Harold Wilson

Ipadala ang tanong sa dearmanayg­[email protected]

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.