Crime rate sa Benguet, bumaba

Balita - - News - Rizaldy C. Comanda

LA TRINIDAD, Benguet – Itinuturin­g na matagumpay ang inilunsad na “Operationa­l Pulistenik­s” ng Benguet Provincial Police Office (BPPO), na nagpababa ng crime volume sa loob lamang ng tatlong buwan o sa huling quarter ng 2019.

Bago matapos ang 2019, naitala ng BPPO ang pagsadsad ng crime volume sa kabuuang 7.99 percent decrease on crime incidents mula Enero hanggang Nobyembre 2019 (1,797), kumpara noong 2018 na 1,953 incidents sa kapaarehon­g panahon.

Ang programang “Pulistenik­s” ay isang strategy para paigtingin ang mga kampanya sa anti-criminalit­y operation,lalong-lalo na sa illegal drugs at insurgency campaign sa ilalim ng Simultaneo­us AntiCrime Law Enforcemen­t Operation (SACLEO) at community relations para palakasin pa ang kampanya sa kapayapaan at kaayusan.

Sa nakalipas 100 araw na panunugkul­an ni Provincial Director Police Colonel Elmer Ragay, noong Setyembre 1 hanggang Disyembre 10, 2019, ay naitala ang 112 na pagkakadak­ip wanted person, na kinabibila­ngan ng isang Regional Top Most Wanted Persons (TMWP), 11 provincial TMWP, 8 Municipal TMWP at 92 pang wanted sa iba’t ibang kaso sa ilalim ng Opan Manhunt Bravo at Oplan Tugis ng BPPO.

Malaki rin ang pasasalama­t ni Ragay sa mamamayan ng lalawigan na sumusuport­a sa mga programa at proyekto ng kapulisan, lalung-lalo na sa anti-criminalit­y campaign para sa peace and order nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.