PH, nakiramay sa Kazakhstan

Balita - - News - Bella Gamotea

Nagpaabot ng pakikirama­y ang Pilipinas sa pamamagita­n ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng insidente ng pagbagsak ng Fokker 100 aircraft na inooperate ng Kazakhstan-based carrier Bek Air, kamakalawa.

Sa natanggap na ulat ng DFA mula sa Embahada ng Pilipinas sa Russia, na may hurisdiksi­yon sa Kazakhstan, walang iniulat na Pilipinong sakay o pasahero sa naturang eroplano.

Ang embahada sa pamamagita­n ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, ay nagpahayag din ng kanyang pakikisimp­atiya at panalangin para sa mga pamilya at kaibigan ng mga nasawi sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.