Elevated bike lanes sa EDSA, iginiit

Balita - - News - Charissa M. Luci-Atienza

Isinusulon­g ngayon ng mga mambabatas ang pagtatayo ng elevated walkways at bike lanes sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) upang mapakinaba­ngan ng mga pedestrian at bicycle riders.

Inihayag nina Bukidnon Rep. Manuel Zubiri at Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, malaking tulong ito dahil na rin sa problema sa tumitindin­g problema sa trapiko sa bansa.

“Due to heavy traffic and road congestion, our major thoroughfa­res in Metro Manila have become very unsafe for people who choose to walk to get from one place to another. Even people who prefer to ride bicycles are displaced by the worsening condition of traffic in Metro Manila,” ayon sa House Bill No. 5374 na inihain ng dalawang mambabatas.

Si Zubiri ay vice chairperso­n ng House Committee on Transporta­tion, Tourism and Appropriat­ions habang si Sarmiento ay chairperso­n ng House Committee on Transporta­tion.

Layunin din anila ng panukalang batas na gawing mas ligtas ang daanan ng mga pedestrian at nagbibisik­leta.

“By opening to the public such an important space, this endeavor will also promote healthy living and a cleaner environmen­t by encouragin­g Filipinos to seek an alternativ­e to riding automobile­s,” ayon pa sa dalawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.