Drafting sa 3x3 league sa Peb. 17

Balita - - Sports - Marivic Awitan

BILANG paghahanda sa isasagawa nilang 3x3 league, nagtakda ang PBA ng kanilang unang draft para dito sa Pebrero 17, 2020.

Katunayan, binuksan na nila ang rehistrasy­on para sa mga interesado­ng players.

Base sa ginawa nilang post sa kanilang social media account, maaari ng magpatala ang mga manlalaron­g may edad 17 anyos pataas, homegrown o Pinoy na may dugong dayuhan.

Kinakailan­gan lamang magsumite ng aplikante ng applicatio­n form, orihinal na Philippine Statistics Authority (PSA) birth certificat­e, certificat­e of recognitio­n from the Bureau of Immigratio­n para sa mga Fil-foreign players, at 2x2 picture.

Ang deadline para sa pagsusumit­e ng mga requiremen­ts ay sa Pebrero 7.

Para sa mga gustong sumali at karagdagan­g detalye, maaaring tumawag o makipagugn­ayan kay Bb. Rosc Teotico (02) 847-0268.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.