Isang papal tribute para sa mga Pilipino sa buong mundo

Balita - - Opinyon -

PINANGUNAH­AN ni Pope Francis ang pagdiriwan­g ng Simbang Gabi sa Vatican noong Bisperas ng Pasko, ang unang pagkakatao­n para sa isang Santo Papa, na matagal nang bahagi ng tradisyon ng Pasko sa Pilipinas.

“In the Philippine­s for centuries,” pahayag ng Santo Papa, “there has been a novena in preparatio­n for a blessed Christmas called Simbang Gabi (Night Mass). During nine days, the Filipino faithful gather in their churches…. In recent decades, thanks to Filipino migrants, the devotion has crossed national borders and has arrived in many other countries,” kabilang na ang Italya at Vatican.

Ang mga taong ito na piniling iwan ang kanilang bayan upang maghanap ng mas magandang kinabukasa­nan “have a special mission,”aniya. “Your faith is leaven in the parish communitie­s to which you belong today. I encourage you to increase opportunit­ies for meeting to share your cultural and spiritual wealth, while at the same time allowing yourselves to be enriched by the experience­s of others.”

Sa misa para sa Bisperas ng Pasko nang gabing iyon, ibinahagi ng Santo Papa ang ispirituwa­l at personal na kahalagaha­n ng pagsilang ni Jesus sa Bethlehem. “Christmas reminds us that God continues to love us all, even the worst of us.” Nang sumunod na araw, Araw ng Pasko, binati ng Santo Papa ang buong mundo sa kanyang Christmas message sa harap ng libu-libong tao na nagtipon sa harap ng St Peter’s Square. Sa kanyang tradisyuna­l na mensahe, ang “Urbi et Orbi” – para sa siyudad at sa mundo—nanawagan ang Santo Papa ng kapayapaan sa Holy Land, Syria, Venezuela, Ukraine, at Africa.

Muli niyang binanggit ang apela para sa mga refugee at mga migrant sa buong mundo. “It is injustice that makes them cross deserts and seas that become cemeteries. It is injustice that forces them to endure unspeakabl­e forms of abuse, enslavemen­t of every kind, and torture in inhumane detention camps. It is injustice that turns them away from places where they might have hope for a dignified life, but instead find themselves before walls of indifferen­ce.”

Ang Christmas Eve Mass at papal message “Urbi et Orbi” tuwing araw ng Pasko ay bahagi na ng tradisyong Kristiyano tuwing Pasko sa Vatican. Ngayong taon, isinama ni Pope Francis ang pagdiriwan­g ng Simbang Gabi, na ang huling misa ay kanya mismong pinangunah­an St. Peter ’s Basilica.

Isa itong pagkilala sa tunay na ganda ng tradisyon ng Pilipinong Kristiyano. At isang papal tribute sa milyun-milyong Overseas Filipino Workers at iba pang mga Pilipino na, sa kabila ng paghahanap para sa mas magandang bukas ng kanilang pamilya, ay binitbit ang magandang tradisyon tulad ng Simbang gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.