Balita

U.S. trip ni Digong, ‘di tuloy

- Beth Camia

Wala nang pagkakatao­ng bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Washington.

Ito ay matapos pormal nang tanggihan ng Pangulo ang imbitasyon ni US President Donald Trump sa kanya na bumisita sa Washington.

“He said he would respond to the invitation and will decline,” ayon kay Presidenti­al spokesman Salvador Panelo.

Ang desisyon ng punong ehekutibo ay walang kinalaman sa ginawang paglagda ni President Trump sa US Fiscal Year 2020 State and Foreign Operations Appropriat­ions Act kung saan nakapaloob ang probisyon na nagba-ban sa mga Philippine government official na sangkot sa pagpapakul­ong kay Senador Leila de Lima.

“He said he never intended to visit the US naman ever since,” ayon kay Panelo

Taong 2017 nang imbitahan ni Trump si Pangulong Duterte na bumisita sa White House.

Noong Hulyo ng nakaraang taon ay sinabi ng Pangulo na ayaw niya ng mahabang biyahe at bukod pa rito ay hectic din ang iskedyul kaya na hindi niya talaga mapagbigya­n ang imbitasyon ni Trump.

At sa tanong kung dapat pang masamain ni Duterte ang ginawang pagtinta ni President Trump sa budget law kung saan nakapaloob ang probinsyon ng entry ban, ay sinabi ni Panelo na “no.”

“No. Kasi unang-una, I have already repeatedly said, it’s not naman selfexecut­ory eh. The law itself says if there is credible informatio­n received by the one who will decide – and the one who will decide will be the Secretary of State. And that is why even the Ambassador, as I related to you, when we had an encounter in one party the other night, he said eh sa Congress naman eh,” ayon pa sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines