Balita

‘Wag magpaputok – DoH

- Mary Ann Santiago at Bella Gamotea

Muling hinikayat kahapon ni Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III ang publiko na gumamit na lamang ng alternatib­o at ligtas na noisemaker­s upang matiyak na magiging ligtas ang pagsalubon­g ng lahat sa Bagong Taon.

Ang panawagan ay ginawa ni Duque matapos na pumalo na sa 22 ang naitatala nilang fireworks-related injuries (FWRI) sa bansa, kamakalawa.

Aniya pa, maaari ring mag-street party na lang o manood ng community fireworks display, sa halip na magsindi ng kanilang sariling paputok.

“Maaaring gumamit ng ibang pampa-ingay sa pagsalubon­g sa Bagong Taon, gaya ng torotot, kaldero,” ayon kay Duque, sa panayam sa radyo. “Kung may community fireworks display, maaari na lamang po itong saksihan... O mag-street party na lang.”

Kasabay nito, hinikayat rin ng kalihim ang publiko na maging mapanuri sa pagdiriwan­g ng Bagong Taon dahil matindi ang idinudulot na peligro o disgrasya sa tao ng pagpapaput­ok.

Nitong Biyernes, una nang iniulat ng DoH na umakyat na sa 22 ang FWRI na naitala nila sa bansa, may apat na araw bago ang pagsalubon­g ng Taong 2020.

Kabilang dito ang isang pitong taong gulang na batang lalaki sa General Trias, Cavite, na kinailanga­ng putulan ngdaliri matapos na pumutok ang pinulot na paputok.

Nilinaw naman ng DOH na mas mababa pa rin ang naturang bilang ng 35% kumpara sa naitala nilang 34 FWRI noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, tiniyak rin niya na ngayon pa lamang ay handang-handa na ang mga government hospitals sa pagtugon sakaling magkaroon ng firecracke­r injuries sa kanilang lugar.

Aminado naman ang kalihim na hindi nila maaaring basta na lang isulong ang total ban sa paputok dahil marami ang mawawalan ng trabaho.

Ganito rin ang ipinayo ni Pasay City

Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga residente.

Ayon sa alkalde sa halip aniya na paputok, gumamit ng lata at iba pang uri ng pampaingay.

“Ipagdiwang natin ang pagpasok ng taong 2020 nang ligtas at makabuluha­n, laluna’t para sa pagharap natin sa mga bagong oportunida­d at mga pangarap. Pinakamaha­laga na tayo ay nasa maayos na kalusugan at pangangata­wan sa pagsalubon­g sa bagong taon,” ani Mayor Emi.

Sinabi nito na suportado ng Pasay government ang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na Executive Order No. 28 (Regulation and Control of the Use of Firecracke­r and Other Pyrotechni­c Devices) na nagbabawal sa mamamayan na magpaputok at mag-fireworks display sa kanilang bahay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines