9 NAOSPITAL SA GAS LEAK

Balita - - Pangunahin­g pahina - Ni MARY ANN SANTIAGO

Naospital ang may siyam na empleyado ng isang online school sa Ortigas , Pasig City matapos na ma-suffocate dahil sa hinihinala­ng gas leak sa kanilang tanggapan, nitong Sabado ng hapon.

Hindi na isinapubli­ko ng mga awtoridad ang pagkakakil­anlan ng mga biktima na pawang empleyado ng 51 Talk Rewards and Recognitio­ns sa JMT Building, ADB Ortigas Avenue, Barangay San

Antonio.

Kaagad silang isinugod sa Medical City Hospital ng ambulance team ng Barangay San Antonio (BSA) ng nabanggit na lungsod, matapos na makaranas ng hirap sa paghinga, pagkahilo at pagsusuka.

Sa ulat, dakong 5:23 ng hapon nang makatangga­p ng tawag ang BSA ambulance team mula sa administra­dor ng 27-palapag na JMT building, matapos na magreklamo umano ang may 27-empleyado na tila mayroong nagaganap na gas leak sa kanilang tanggapan.

Nauna rito, nag-o-overtime ang mga empleyado nang malanghap nila ang tumagas na hindi batid na uri ng gas chemical, dakong 4:30 ng hapon.

Masusi pa namang iniimbesti­gahan ng Pasig-Bureau of Fire Protection (BFP) ang insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.