Balita

Kontrobers­iya at tagumpay sa POC

- Annie Abad

SAMU’T sari ang kaganapan sa Philippine Sports sa taon 2019.

At kabilang sa tunay na naging usap-usapan ang hindi inaasahang pagbibitiw nbi Ricky Vargas bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ang pagbibitiw ni Vargas ang naging hanganan sa kontrobers­yal na kinasangku­tan ng Olympic body sa ‘leadership dispute’, gayundin sa paghahanda ng bansa sa 30th Southeast Asian Games.

Matatandaa­n na hindi naging madali para Kay Vargas na nakuha ang liderato ng POC gayung sa kanyang unang pagtakbo bilang pangulo ng nasabing grupo kung saan makakalaba­n sana niya ang magatagal na umupong presidente na si Peping Cojuangco ay hindi Ito napayagan sapagkat hindi Ito umano dumadalo ng mga pagpupulon­g sa regular na sesyon.

Kasunod nito, inapila ng grupo ni Vargas ang nasabing isyu na kinatigan naman ng korte kaya naman muling nagpatawag ng eleksyon na siya naman niyang naipanalo.

Gayunman, hindi pa rin nawala ang grupo ng dating presidente na si Cojuangco sa nasabing organisasy­on gayung umupo bilang 1st Vice president si Joey Romasanta na kilalang malapit sa una.

At dito nga nagpatuloy ang tensyon sa loob ng POC Kung saan sinasabing kahit nakaupo na bilang presidente si Vargas ay namamaneob­ra pa rin ang grupo ni Cojuangco.

Hindi na nakayanan ni Vargas ang tensyon kung kaya naman pinili niotng bumaba na sa puwesto habang nagpatawag ng panibagong eleksyon ang grupo.

Napagwagia­n naman ng kasalukuya­ng presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino, habang si Patrick Gregorio naman ang siyang naging secretary general.

Naging masalimuot man ang agawan sa liderato ng POC ay patuloy naman itong magsisilbi para sa mga atleta patungo sa hinahngad na tagumpay sa Olympics.

 ?? RIO DELUVIO ?? MAGKAKASAM­ANG pumarada ang mga opisyal at atleta para sa matagumpay na kampanyan ng Team Philippine­s sa 30th SEA Games.
RIO DELUVIO MAGKAKASAM­ANG pumarada ang mga opisyal at atleta para sa matagumpay na kampanyan ng Team Philippine­s sa 30th SEA Games.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines