Balita

CELTS WAGI SA CAVS

-

BOSTON (AP) — Napantayan si Jaylen Brown ang career high 34 puntos, habang tumipa si Jayson Tatum ng 30 puntos para sandigan ang Boston Celtics sa 129-117 panalo kontra Cleveland Cavaliers nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nag-ambag si Enes Kanter ng 14 puntos at kumana si Kemba Walker ng 13 para sa ikalimang sunod na panalo ng Boston at mahila ang home record sa 13-1 ngayong season.

Naitala ni Brown ang magkasunod na 30-point games sa kanyang career. Kumubra siya ng 30 puntos sa Araw ng Pasko (Dec. 26 sa Manila) laban sa Toronto.

Napantayan naman ni Kevin Love ang season high sa naiskor na 30 puntos at pitong rebounds para sa Cavaliers. Nag-ambag si Collin Sexton ng 21 puntos.

Naghabol ang Celtics sa unang bahagi ng laro bago naisara ang halftime tangan ang 62-47 bentahe.

HEAT 113, PACERS 112

Sa Miami, naisalpak ni Goran Dragic ang driving layup may 6.8 segundo ang nalalabi sa gabuhok na panalo ng Heat kontra Indiana Pacers.

Ang tira ni Dragic ang ikatlong sunod na opensa ng Miami matapos ang magkasunod na sablay nina Jimmy Butler at Kendrick Nunn.

May tsansa ang Indiana na maagaw ang panalo, subalit sumablay ang 10-footer jump shot ni Aaron Holiday sa buzzer.

Hataw si Butler na may 20 puntos sa Miami, habang tumipa Bam Adebayo ng 18 puntos at 15 rebounds, kabilang ang krusyal na rebound na nagbigay daan sa winning shot ni Dragic. Kumasa si Nunn sa naiskor na 17 puntos at umiskor sina Dragic at Tyler Herron g 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Nanguna si Aaron Holiday sa Indiana na may 17 puntos, habang tumipa sina TJ Warren at Jeremy Lamb ng tig-16 puntos.

THUNDER 104, HORNETS 102

(OT)

Sa Charlotte, ginapi ng Oklahoma City Thunder, sa pangunguna nina Shai Gilgeous-Alexander na may 27 puntos at Dennis Schroder na may 24 puntos, ang Charlotte Hornets.

Nag-ambag Chris Paul ng 16 puntos para sa ikalimang panalo sa anim na laro ng Thunder.

Nagsalansa­n si Terry Rozier ng 26 puntos at umiskor si Devonte Graham ng 15 puntos at 13 assists para sa Hornets.

 ?? AP ?? BINASAG ni Jalen Brown ng Boston ang depensa ni Kevin Love ng Cleveland sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA.
AP BINASAG ni Jalen Brown ng Boston ang depensa ni Kevin Love ng Cleveland sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines