Balita

Mataas na antas at kalidad asam sa Gilas

- Marivic Awitan

MATAPOS magkwalipi­kang muli sa FIBA World Cup, punongpuno ng pag-asa at maraming naniwalang maganda ang kahihinatn­an ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2019.

Ito’y matapos ang kanilang mga naging panalo sa pang-anim at huling window ng Asian qualifiers sa panimula ng taon.

Para sa ikalawang pagsabak sa World Cup nitong Agosto sa China, nagsanay pa ang Gilas sa pamumuno nina Andray Blatche at June Mar Fajardo sa bansang Espanya kung saan sumabak sila sa isang minitourna­ment kontra sa ilang mga African teams.

Ngunit, sa kasamaang palad, taliwas sa inaasahan na mahihigita­n nila ang naging performanc­e noong 2014 edition kung saan marami silang ginulat at pinahanga sa ipinakita nilang laro, walang naipanalo sa lima nilang laban ang Gilas.

Dahil ditto, tumapos silang kulelat.

Humingi ng dispensa si coach Yeng Guiao sa pangyayari at tuluyang nagbitiw sa kanyang tungkulin upang bigyan ng tsansa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na makapili ng bagong hahawak sa Gilas program para sa susunod na FIBA World Cup sa 2023 kung saan isa sa co-host ang Pilipinas.

Ngunit, bago matapos ang taon, nagkaroon ng pagkakatao­ng makabangon ang Gilas sa pagdating ng Southeast Asian Games.

Kinuha ng SBP ang grand slam champion coach na si Tim Cone upang bumuo ng team na isasabak sa biennial games.

Isang all-pro team ang binuo ni Cone na hindi naman binigo ang bansa sa ipinakita nilang dominasyon sa SEA Games.

Katunayan, may dagdag pang bonus na tatlong gold medals na napanaluna­n ang Gilas matapos magkampeon sa 3x3 na dinuplika ng Gilas women’s.

Gaya ng inaasahan, winalis din ng all-pro 3x3 squad nina Mo Tautuaa, Jason Perkins, Chris Newsome at CJ Perez ang event.

Samantala, sa unang pagkakatao­n naman ay nakamit na rin ng bansa ang unang gold medal sa women’s basketball sa SEA Games na dinagdagan pa nila ng isa sa pag-angkin ng gold sa inaugural 3x3 tournament.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines