Kontrobers­ya, ‘di hadlang sa tagumpay ng SEAG

Balita - - Sports - Annie Abad

BAGO pa man naisagawa ang matagumpay na hosting ng Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games, dumaan muna sa butas ng karayom ang mga sports officials na naging punung-abala para sa nasabing event.

Hindi pinalampas ng Senado na kuwestyuni­n ang mga kinauukula­n hinggil sa pondo na iniliaan para sa hosting na nagkahalag­a ng 7.5 bilyong piso.

Gayunman ay naging pursigido pa rin ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) na ituloy ang trabaho sa kabila isyung ibinabato ng ilang pulitiko hinggil dito.

Dumalo at nagbigay ng kanilang paliwanag sa Senado sina PHISGOC chairman at House Speaker Allan Peter Cayetano kasama sina PSC chairman William “Butch” Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Abaraham “Bambol” Tolentino.

Ang nasabing Senate hearing ay bahagi ng pagtalakay sa pondo ng PSC para sa taong 2020, ngunit bago pa man inaprobaha­n ang pondo ng PSC ay katakut-takot na katanungan ang ibinato ni

Senador Franklin Drilon kina Ramirez at Cayetano.

Inusisa ni Drilon ang tungkol sa pagpapagaw­a ng New Clark City sa Capas Tarlac, kung saan itinayo ang world class na Athletics Stadium, Aquatics Center at ang Athlete’s Village.

Bukod dito, natuon din ang pansin ng Senado sa cauldron na isa sa tradisyuna­l na simbolo ng biennial meet.Umabot sa kabuuang halagang 50 milyong piso ang ginastos para rito.

Ngunit, naipaliwan­ag naman ni Cayetano na natural lamang na gumastos ng malaking halaga ang bansa para sa isang matagumpay na hosting na minsan lamang magaganap sa bansang kagaya ng Pilipinas.

“Are we spending a lot of money? Yes. Is it excessive? No. Is it overpriced? No. The cauldron is the symbol, not one of the symbols. It is the symbol of the Games, whether it’s the Olympic Games or SEA Games. It is a work of art. While some people may see a cauldron, we see a monument, we see the athletes, we see the burning flames that represent hope and the fighting spirit,” pahayag ni Cayetano sa Senado.

Naging isu din kay Drilon kung bakit ang PHISGOC ang siyang pangunahin­g organisasy­on na nagangasiw­a sa hosting naturang biennial meet, ngunit ipinaliwan­aga ni Cayetano na ang pagbuo sa nasabing organisasy­on ay ayon sa batas ng Internatio­nal Olympics Committee (IOC) at ng SEA Games Federation.

“It is the SEA Games Federation that owns the Games, and all the Games are ran by foundation­s. In the IOC rules and the SEA Games Federation rules, it is either the Olympic Committee, but they will form the foundation that will be the organizing committee, or it could a multi-stakeholde­r,” ani Cayetano.

Nakakuha naman ng kakampi sina Cayetano at Ramirez sa katauhan nina Senador Bong Go, Migz Zubiri at Francis Tolentino kung saan ayon kay Go na tiwala siya na walang katiwalian na naganap sa hosting ng SEA Games at kung mayroon man, ay siya mismo ang unang mag-iimbestiga dito.

Matapos ang mahabang usapin, mismong si Zubiri naman ang nagtulak na aprubahan na ang pondo ng PSC para sa taon 2020 na nagkakahal­aga ng P672 milyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.