Balita

Pangmataga­lang kapayapaan para sa bansa

-

ILANG araw bago ang nakatakdan­g pagsalubon­g ng bansa sa taong 2020, nagpahayag si Pangulong Duterte ng pag-asa na nawa’y makamtan ng mga Pilipino ang “comfortabl­e life” at maramdaman ang “lasting peace,” pahayag ng Malacañang kamakailan.

“The President first would like to greet all Filipinos a happy and prosperous New Year,” pahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo sa isang panayam. “His wish at the very inception of his presidency is to serve them and protect them, and to give them comfortabl­e lives and lasting peace.”

Nakatakdan­g salubungin ng Pangulo ang Bagong Taon kasama ng kanyang pamilya sa tahanan nito sa Davao City. Mananatili doon ang Pangulo hanggang sa Enero 2.

Nang matanong kung ano ang New Year’s resolution ni Duterte, sinabi ni Panelo, “Wala naman. Wala siyang nabanggit.”

Nasa 93 porsiyento ng mga Pilipino ang inaasahang sasalubong sa 2020 kasama ng pag-asa habang nasa 0.2% lamang ang haharapin ang bagong taon “without hope,” base sa December 3 to 8 survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Una rito, nangako si Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na magpapatul­oy ang pag-iimplement­a ng administra­syon ng mga polisiya at programa na magdadala ng tagumpay sa bansa.

Kumpiyansa rin si Andanar na ang 2020 “will be filled with achievemen­ts, progress, and prosperity for all of us.”

“As we face new challenges ahead, let us remain steadfast in setting and achieving our goals while keeping in mind how we can be of service to others,” aniya.

“Trust also that the PCOO, to complement the administra­tion’s work, will strive harder to continue to communicat­e these noteworthy services and programs by the government to keep the public informed and involved.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines