Balita

Hiwaga ng Pag-ibig

- R.V. VILLANUEVA

Ika-27 labas

KITANG-KITA ni Erlyn ang matagal na pagkatunga­nga ni Mang Mamerto. Para itong nakarinig ng napakaimpo­sibleng tanong na nangangail­angan din ng imposiblen­g sagot.

“Aano bang klaseng tanong ‘yan, anak?” Nagawa ring sabihin ni Mang Mamerto na parang hirap na hirap.

Parang bigla’y naging balisa si Mang Mamerto. Sa tingin niya, kung pwede lang itong tumakbo, kakaripas na marahil ito. Pero hindi man lamang yata nito kayang tumayo.

“Hindi na ho siguro ninyo ako kailangang sagutin, Mang Mamerto.” Buo uli ang kanyang boses. “Kahit na ho hindi nilinaw ni Aling Marita ang ibig niyang sabihin, alam ko na ho ‘yon.”

Sa totoo langho, noon pa naman, alam ko na.

Lumunok-lunok si Mang Mamerto. “Gagalit ka, Erlyn?”

“Hindi naman n’yo ako itinuring na iba, ‘di ho ba? Sana lang, noon pa sinabi na ninyo kung bakit kayo naiilang sa pakandong-kandong ko at… pagyakap-yakap ko sa inyo.” Sa parting ito nabasag ang boses niya. Ngayong alam ko nang wala pala akong gapatak mang dugo sa inyo, nahihiya rin ako sa mga pinaggagag­awa ko!”

“Ginagawa natin ang mga ‘yon ng baling maligaya, anak. Pwede pa naman kitang tawaging anak, di ba, Erlyn?”

“Kahit ho siguro sa anong paraan ninyo ako tawagin, naroon pa rin ang katotohana­ng wala tayong relasyon.”

“Hindi lang naman iisa at dadalawa, anak…ang walang relasyong sa dugo pero nagiging higit pa sa tunay na mag-ama ang pagsasama. Di ba puwede yon, anak?”

Aywan kung bakit naiisip niya: Mas mabuti yata ‘yong wala na tayong ano mang relasyon!

Hindi na kumibo si Mang Mamerto. Madilim ngayon ang mukha nito. Kunot na kunot ang noo. Sa mukha nito, markado ang mahirap unawaing damdamin.

“Baka nahihirapa­n na noon ang mommy mo, anak,” sabi ni Mang Mamerto. “Baka naman nasabi lang ‘yon nang hindi na inisip.” Ibig bag bawiin ng itinuring niyang ama ang pag-amin nito na ampon nga siya?

“Hindi ho pwedeng magsinunga­ling ang taong nasa talaga na ng Diyos. Ang hinahanap ko na lang ho ay ang kumpirmasy­on na katotohana­n iyon.”

Bumuntong-hininga na lang si Mang Mamerto.

“Hindi na rin kayo dapat magpaliwan­ag. Alam ko na ang sasabihin ninyo.”

Hindi na nagawang magkaila pa ni Mang Mamerto. Kumbaga sa isang hinagabol, sukol na siya. Wala na siyang tatakbuhan.

Sinabi na ni Mang mamerto sa kanya ang lahat. Lahat-lahat ng tungkol sa nakatiklop na pahina ng aklat ng kanyang buhay.

Sa sarili na ring pagtatapat ni Mang Mamerto, napag-alaman ni Erlyn na talagang hindi puwedeng magkaanak ang nakagisnan niyang Mommy Marita.

“Dahil likas na mahina ang puso ni Marita..ng mommy mo…hindi niya makakaya ang pagluluwal ng sanggol. Mangangani­b anng kanyang buhay.” Diin pa ni Mang Mamerto.

Upang ganap na maiwasan ang peligro ng pagsilang, kahit hindi naman talaga baog si Aling Marita, nagkaisa ang mag-asawa na tuluyang kontrolin ang ano mang mabubuong buhay sa sinapupuna­n ni Aling Marita.

Si Erlyn ay anak ng isang tagaprobin­siya, malayo nang kamaganak ni Aling Marita. Nag-iwan pa nga ng medyo malaki-laking halaga sina Mang Mamerto sa mga magulang ni Marita.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines