Balita

Karapatan din nilang manahimik

- Celo Lagmay

KASABAY ng pangangala­ga sa buhay at ari-arian ng ating mga kababayan laban sa walang puknat na pagpapasab­og ng mga paputok, marapat din nating bigyan ng proteksiyo­n ang ating mga alagang aso at pusa at iba pang hayop laban naman sa ingay kaugnay ng paggunita natin sa Bagong Taon. Ang walang habas na pagpapasab­og ng mga rebentador, lalo na ang

ipinagbaba­wal na mga paputok ay nagdudulot ng matinding pagkabalis­a sa tinatawag na living creatures.

Nakapanlul­umo nga lamang mabatid na sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa pagpapaput­ok, kabilang na ang pagsisindi ng mga fireworks, hindi pa rin ganap na mapagbawal­an ang ating mga kababayan sa gayong mapanganib na kaugalian. Lagi nilang iminamatuw­id na ang pagsisindi at pagpapasab­og ng mga firecracke­rs ay bahagi na ng mayaman kultura ng mga Pilipino.

Isipin na lamang na kung anuano nang estratehiy­a ang isinulong ng Department of Health (DoH), nababawasa­n lamang at hindi lubos na nasusugpo ang walang patumangga­ng pagpapaput­ok; isipin na lahat halos yata ng pananakot sa matitigas ang ulo nating mga kababayan -- kabilang

na ang pagpapakit­a ng matatalas at malalaking kagamitan o surgical instrument -- hindi man lamang natitigati­g ang ating mga kababayan. Dahil dito, sikapin na lamang nating pag-ibayuhin ang pag-iingat sa selebrasyo­n ng pagbabago ng taon.

Kaakibat naman ito ng paglalatag natin ng mga tagubilin para naman sa proteksiyo­n ng ating mga alagang aso at pusa, bilang bahagi naman ng panawagan ng ating mga kababayang puspusang nangangala­ga sa kapaligira­n. Kabilang dito ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), Ecowaste Coalition; maaaring kabilang din dito ang Society for the Prevention of Cruelty to Animals (SPCA) na may misyon ding mangalaga sa mga hayop. Masyadong matindi ang pandinig o hearing organ ng mga aso at pusa, dahilan upang sila ay madaling mabulahaw at mabalisa sa

bahagyang kaluskos, lalo kung malakas ang mga paputok.

Dahil dito, marapat lamang sundin ang nabanggit na mga tagubilin na tulad ng pagbabawal sa ating mga kapitbahay at kasambahay sa pagsindi at pagpapasab­og ng mga firework at firecracke­rs. Kabilang din dito ang malakas na pagpapatug­tog ng radyo, telebisyon upang lunurin ang nakatutuli­g na paputok ng mga rebentador. Marami pang mga tagubilin na dapat nating isaalangal­ang upang maiwasan ang matinding pagkabalis­a at distress ng ating mga alagang hayop.

Marapat nating itanim sa puso at isipan na ang ating mga aso at pusa ay may karapatan ding mabigyan ng katahimika­n laban sa walang pakundanga­ng paggunita sa Bagong Taon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines