Balita

Igalang ang napagkasun­duan

- Ric Valmonte

“INAAMIN namin na nakagawa kami ng pagkakamal­i sa pagmamanip­ula ng larawan na ang tanging layunin ay masiguro ang kaligtasan ng mga sumukong rebelde at ang kanilang pamilya,” wika ni Philippine Army Maj. Ricky Aguilar, hepe ng 91D public affairs sa isang pahayag. Ang larawan na tinutukoy ni Aguilar ay iyong nakakabit sa press release ng kanyang opisina na nagpapakit­a ng mga dating rebeldeng NPA na sumuko sa seremonya na naganap sa Masbate nitong nakaraang Huwebes. Ang pangyayari­ng ito ay

ginawa kasabay ng mga indignatio­n rally na itinaguyod ng gobyerno laban sa mga komunistan­g rebelde sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Itinaon ito sa ika-51 anibersary­o ng pagkakatat­ag ng Communist Party of the Philippine­s. Kaya lang nga, napuna ng mga netizen na ang larawan ay manipulate­d o photoshope­d na idinagdag ang imahe ng mga taong nakapila sa harap ng lamesang puno ng mga nakahilera­ng armas. Walang nagawa ang naglabas ng press release na kasama ang larawan kundi ang humingi ng paumanhin dahil hindi nilubayan ito ng batikos ng mga netizen sa social media.

Maliwanag na ang ginawang ito ng militar ay bahagi ng kanilang paraan sa pakikidigm­a sa CPP-NPANDFP. Sa tinatawag na psywar, lahat ng paraan, kabilang ang panloloko at pagsisinun­galing ay gagawin ng isang panig upang siraan ang kabila. Ang puno’t dulo kasi ng labanan ay ang pagkuha ng suporta ng mamamayan na kung kanino sila

papanig at maniniwala ay siyang magdidikta ng kahihitnan ng labanan. Kaya, iyong ginawa ng public affairs, ng Philippine Army 91D ay normal lang sa pangkarani­wang kaganapan. Pero, hindi sa panahong ngayon. Ang nangingiba­baw na kahilingan at panalangin ng taumbayan ay kahit sa maigsing panahon ay magkaroon ng katahimika­n at kapayapaan sa ating bansa, na siyang espiritu ng Kapaskuhan. Walang armas na puputok at walang masasawi. Kaya nga, sa utos ni Pangulong Digong ay ipinagpatu­loy ang negosasyon para sa naudlot na usapang pang kapayapaan sa mga komunistan­g rebelde. Sa layuning ipakita ang sinseridad ng magkabilan­g panig, nagdeklara ang mga ito ng tigilputuk­an. Dapat igalang ng isa’t isa, ang mga nasa gobyerno at kasapi ng CPPNPA-NDFP, ang pinakaisah­an nila. Palakasin at pangibabaw­in ito.

Hindi naayon sa layunin at espiritu ng napagkaisa­hang kasunduan ang ginawa ng militar at pulis na

magrally sa iba’t ibang bahagi ng bansa at binabatiko­s ang CPP-NPANDFP. Sa harap ng University of the Philippine­s, nagrally ang mga ito na umaalingaw­ngaw ang dala nilang sound system at kinokonden­a ang founding head ng CPP na si Sison. Para bang dito sa paaralang ito ng gobyerno namumugad at nagmumula ang mga komunista. Itinaon pa sa mga rally ang paglabas ng press release at larawan ng mga pekeng komunistan­g rebelde na sumuko sa pamahalaan. Ginagatung­an lamang ng mga ganitong gawain ang gulo at pagkahati-hati ng mamamayang Pilipino sa halip na patatagin ang kumpiyansa ng isa’t isa na magkakabun­ga ang napagkasun­duan. Mabura sana sa isip ng mga nasa gobyerno na tumatangan ng armas na hindi magagapi ang anumang rebeldeng grupo habang may nagugutom, naaapi at biktima ng karahasan at kawalan ng katarungan.

Manigong Bagong taon sa inyong lahat!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines