Balita

2 Chinese tourist, patay nang malunod

- Calvin D. Cordova

CEBU CITY—Dalawang Chinese nationals ang binawian ng buhay matapos mahulog mula sa parasailin­g boat sa Panglao, Bohol nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lou Rennei, 63, at Lan Rong, 56.

Kabilang ang dalawang biktima sa 10 Chinese nationals na sakay PARAW Sailboat ng maganap ang insidente.

Ayon kay Lt. Jr. Grade Michael John Encina, spokespers­on ngPhilippi­ne Coast Guard-Central Visayas (PCG 7), kasalukuya­ng nakadetine na ang operator ng bangka na si Rufino Labastida, 46 at boat helper Randy Anligues, 24, sa Panglao Police Station after the incident.

“We are investigat­ing the maritime safety side of the incident and it will be up to the Panglao police to look into the possible criminal liability of the boat personnel,” ani Encina.

Sa salaysay umano nina Anligues at Labastida, hinampas umano ng malalaking alon ang bangkang sinasakyan ng mga turista dakong 5:30 ng hapon, dahilan upang mahulog sa dagat ang dalawang biktima.

Ayon kay Encina, wala umanong suot na life jackets ang lahat ng mga pasahero ng maganap ang insidente.

Masuwerte namang napadaan umano sa lugar ang isang yate, MY Elizabeth, na siyang tumulong sa mga turista bago pa maialerto sa Coast GuardWeste­rn Bohol.

Agad namang nagtungo sa lugar ang mga rescuers mula Coast GuardTagbi­laran at Coast Guard-Panglao ngunit patay na ang dalawang Chinese ng maabutan nila.

“The initial violations that we discovered was that the passengers were not wearing life jackets. The boat operator was not able to present a permit allowing them to conduct parasailin­g activities,” dagdag pa ni Encina.

Samantala, wala naman umanong weather advisory ng maganap ang insidente.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines