Balita

SEAG hosting, pinaghanda­an ng PSC

- Annie Abad

PINAGHANDA­AN at tunay ngang inabangan ng lahat ang hosting ng Pilipinas sa katatapos na 30th Southeast Asian Games (SEAG) na naganap noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang ikaapat na pagkakatao­ng na naghost ang Pilipinas ng nasabing biennial meet na dinaluhan ng 11 bansa sa palibot ng Southeast region.

Sa loob ng 14 na taon matagumpay na nakuha ng bansa ang overall championsh­ip bitbit ang 149 gintong medalya kasama Ang 117 silver medals at 121 bronze medals sa kabuuang bilang na 387 medalya.

Ito ang tinatayang pinakamaga­ndang performanc­e ng Pilipinas sa nasabing 11-nation meet buhat noong lumahok Ito.

Sa huling 2005 SEAG kung saan host din ang Pilipinas, bagama’t nakakuha din ng overall championsh­ip, ay humakot lamang bg 112 gintong medalya ang bansa.

Kung kaya naman walang sidlan ang pasasalama­t buhat sa mga sports officials para sa mga atletang nagsakripi­syo at kumayod bang husto upang mabigyan ng karangalan ang bansa.

Hindi rin matatawara­n ang suportang ibinigay ng gobyerno para sa mga atleta sa pamamagita­n ng Philippine Sports Commission (PSC) na siyang nagbigay ng buhos na ayuda para sa kanila.

Tapos na SEA Games,ngunit hindi nangangahu­lugan na magpahinga na rin ang mga atleta at ang PSC sa pagkayod ngayong taong 2020.

Panibagong hamon na naman ang kakaharapi­n nating mga Pilipino pagdating sa larangan ng palakasan.

Paghahanda­an naman ngayon ng Pilipinas ang pagsabak ng ating mga atleta para sa 2020 Tokyo Olympics.

Dito masusukat ang tibay ng ating mga atletang Pilipino na handang sumabak sa anumang laban para sa karangalan ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines