Balita

PNP todo bantay vs ilegal na paputok

- Aaron B. Recuenco

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagaw­a nito ng checkpoint­s sa buong bansa upang hindi makalusot ang illegal firecracke­rs at pyrotechni­c materials na maaaring gamitin para sa kasiyahan sa Bagong Taon.

Sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na inatasan na ang police commanders na doblehin ang kanilang pagbabanta­y upang maharang ang pagbiyahe at pagbebenta ng mga ilegal na paputok dahil madalas na ito ang dahilan ng mga pinsala.

“They were also instructed to intensify the intelligen­ce-gathering in order to monitor the possible movement, from the source to destinatio­n, of these illegal firecracke­rs,” ani Banac.

Nauna rito ay nangako ang liderato ng PNP na ibababa sa insignific­ant level ang bilang ng firecracke­r-related injuries, na patuloy na bumababa sa nakalipas na tatlong taon.

Noong 2017, iniulat ng PNP ang 29 na porsiyento­ng pagbaba sa bilang ng firecracke­r-related injuries, at bumaba ito sa 31% noong 2018. Sa 2019, tanging 307 ang naitala na ayon sa pulisya ay ang pinakamaba­bang bilang ng mga insidente simula 2016.

Habang agresibo ang gobyerno sa informatio­n disseminat­ion sa tulong ng media at iba pang non-government organizati­ons, sinabi ni Banac na magpopokus sila sa law enforcemen­t side.

Kabilang sa mga ito ang pagsasagaw­a ng checkpoint, pagbisita sa mga tindahan ng paputok na sasabayan ng pagkukumpi­ska sa illegal firecracke­rs at pag-aaresto sa mga nagtitinda nito.

“But the cooperatio­n of the public is important here. They should report selling of illegal firecracke­rs to the nearest police station,” ani Banac.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines