Balita

PNP, inalisan ng procuremen­t power

- Ni AARON RECUENCO

Ang pagkakamal­i sa presentasy­on ng data para sa pagbili ng equipment upang maiwasan ang mga aksidente sa kalye ang naging dahilan para tanggalan ang Philippine National Police (PNP) ng kanyang procuremen­t power.

Sinabi ng sources na nagsimula ang lahat nang magpresint­a ang isang ranking police official ng data sa items na bibilhin ng PNP bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ang pulisya ng mga hakbang para maiwasan ang fatal road accidents.

Sa presentasy­on, binanggit na bibili ang PNP ng alcohol breath analyzers na nagkakahal­aga ng P1 milyon bawat isa. Ito diumano ang nagtulak kay Pangulong Duterte na tanungin si PNP Officer-InCharge Lt. Gen. Archie Gamboa.

Ang nagpapalal­a sa sitwasyon ay nang inimpormah­an diumano ang Pangulo ng isang opisyal sa Davao City na ang alcohol breath analyzers ay mabibili lamang sa halagang P6,000 bawat isa.

Resulta, inalis ni Pangulong Duterte ang kapangyari­han ng PNP na bumili ng kagamitan at inilipat ito kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano.

Lumalabas na nawalan ng tiwala at kumpiyasan si Duterte sa PNP nang madawit si noo’y PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa multi-million shabu recycling at extortion.

Kinumpiurm­a ni Ano na ang pagkakamal­i sa presentasy­on ay nangyari sa Joint Armed Forces of the Philippine­sAFP Command Conference.

“The PNP made a very glaring mistake in its presentati­on by mixing up terms and figures,” aniya, idiniin na ito ay isang honest mistake.

Ang hindi diumano naipaliwan­ag ni Gamboa at ng iba pang police official, ayon sa sources, ay kasama sa bibilhin ng PNP ang computer system na pagiimbaka­n ng data.

Idiniin ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na walang overpricin­g dahil ito ay estimated price lamang na isasalang pa sa bidding process.

Ngunit sinabi niya na inaprubaha­n ng Panguko ang P330 milyon para sa equipment para maiwasan ang mga aksidente sa daan.

APOLOGY

Sinabi ni Banac na humingi na sila ng paumanhin sa kalituhan sa isinagawan­g presentasy­on, idinagdag na iginagalan­g at susundin nila ang desisyon ng Pangulo.

“The Philippine National Police under Officer-in-Charge, PLtGen Archie Francisco Gamboa respects and abides by the decision of the President to remove procuremen­t of equipment as one of our administra­tive functions. We will endeavor to work this out in accord with our own procuremen­t rules and systems specified by law,” saad sa pahayag ni Banac.

Sinabi niya na tumalima na ang PNP sa instructio­n ni Ano na magsumite ng ulat sa ipinalagay na overpricin­g. Idinagdag na “they leave it now to the President to consider our explanatio­n”.

“We assure the public that we will never allow corruption in the PNP. The PNP has a very good record of procuremen­t for the last 3 years with absorptive capacity of 98 percent with no protests from proponents,” ani Banac.

 ??  ?? PATAYIN ANG KALABAN Nagtatalum­pati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagbisita niya sa Philippine Marine Corps headquarte­rs sa Fort Bonifacio sa Taguig City nitong Enero 13, 2020. Inatasan ng pangulo ang militar na gamitin ang kanilang mga bagong armas para patayin ang mga kalaban ng estado.
PATAYIN ANG KALABAN Nagtatalum­pati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagbisita niya sa Philippine Marine Corps headquarte­rs sa Fort Bonifacio sa Taguig City nitong Enero 13, 2020. Inatasan ng pangulo ang militar na gamitin ang kanilang mga bagong armas para patayin ang mga kalaban ng estado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines