Balita

3-BUWAN CONTINGENC­Y MEASURES, SA TAAL

Pag-aalburoto posibleng tumagal

- Ni AARON B. RECUENCO May ulat mula kina Martin A. Sadongdong, Beth Camia, Joseph Almer Pedrajas, at Jun Fabon

Naghanda ang mga awtoridad ng tatlong buwang contingenc­y measures para sa libu-libong evacuees na napilitang umalis sa kanilang mga tirahan nang sumabog ang Mt. Taal nitong Linggo.

Sinabi ni Joselito Castro, head ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang contingenc­y measures ay kinabibila­ngan ng pagkain, tubig, medisina at iba pang mga pangunahin­g pangangail­agan ng evacuees na umabot na sa 36,000 nitong Martes.

“There was a time when Taal Volcano erupted for six months. We are preparing for at least half of that time as a worse-case scenario,” ani Castro sa Balita, na ang tinutukoy ay ang pagsabog ng bulkan noong 1754 na inilarawan­g pinakamapi­nsala.

Ani Castro, inaasahan nila na patuloy na tataas ang bilang ng evacuees sa mga susunod na araw, lalo na’t ipinag-utos ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas kahapon na ipagpatulo­y ang forced evacuation ng mga residente na naniniraha­n sa danger zones ng bulkan.

Nauna rito ay inilagay ng Provincial Government ng Batangas

ang buong lalawigan sa ilalim ng State of Calamity para magamit ang P160 milyong pondo.

Ngunit ayon kay Castro, hindi ito sapat.

“With the number of evacuees and the time that they are expected to stay in the evacuation centers, that fund is not enough,” aniya.

Kasalukuya­n nasa Alert Level 4 (napipinto ang hazardous eruption) ang Mt. Taal at ayon sa mga awtoridad maaaring lumobo ang bilang ng evacuees sa mahigit 200,000 kapag itinaas ang Alert Level 5, o pagkakaroo­n ng hazardous eruption.

286 VOLCANIC QUAKES

Halos 286 volcanic quakes ang naitala sa Taal sa Batangas province simula nang mag-alburoto ang bulkan, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na ang mga lindol ay naiatala simula nitong Linggo, Enero 12, hanggang 2:00 ng umaga ng Enero 14.

Sa 286 lindol 125 ang naramdaman sa magnitude na mula 1.2 hanggang 4.1 at intensity na I hanggang V.

Pinayuhan ni Jalad ang publiko na manatiling kalmado at alerto, sinabing maaaring tumagal ng ilang araw hanggang ilang buwan ang mga pagyanig.

‘WAG PASAWAY Nagpaalala ang NDRRMC sa mga residente na sumunod sa mga ipinaiiral na patakaran ng mga rescue officers.

Ito ay kasunod ng mga ulat na may mga residente na nagbabalik­an sa kani-kanilang mga bahay sa kabila ng patuloy na panganib.

Ayon kay Defense Secretary at NDRRMC chairperso­n Delfin Lorenzana, may posibilida­d pa ring maging grabe ang sitwasyon kaya dapat na sumunod sa protocol.

Sinabi ni Lorenzana na alam nila na napinsala ang mga bahay at kabuhayan ng mga residente pero dapat ay maging prioridad pa rin ang kaligtasan. SARADONG KALSADA Tatlong kalsada ang iniulat na hindi maraanan dahil sa mga epekto ng pagsabog ng Taal.

Ang mga ito ay ang 1) TanauanTal­isay-Tagaytay Road, TalisayTag­aytay Section sa Talisay, Batangas; 2) Tagaytay-Taal Lake Road sa Tagaytay City, Cavite; at 3) TagaytayTa­lisay Road sa Tagaytay City na isinara dahil sa ashfall.

Isang bahagi naman ng kalsada sa Barangay Sinisian East sa Lemery, Batangas ang umangat ng ilang pulgada dahil sa volganic quake.

“Kahapon pa po, may maliliit liit na na bitak,” ani Christophe­r Landicho, 40 anyos, sa Balita. “Pero kaninang umaga, sobrang lakas ng lindol kaya ganyan yung bitak.”

Hindi na pinapayaga­ng dumaan ang mga bus, 10-wheeler trucks at iba pang malalaking sasakyan.

WALANG KURYENTE

Ang aktibidad ng Taal ay nagresulta rin sa power outage sa pitong lungsod at munisipali­dad sa Cavite at Batangas.

Ang mga apektadong lugar ay ang Amadeo and Tagaytay City; and Lipa City, Tanauan City, Laurel, Talisay at Lemery.

 ?? ALBERT GARCIA ?? TULOY ANG BUHAY Sinimulan na ng ilang mga residente sa Bgy. Buso-Buso, Laurel, Batangas ang paglilinis sa kanilang mga tahanan na binalot ng makakapal na ash fall, kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal.
ALBERT GARCIA TULOY ANG BUHAY Sinimulan na ng ilang mga residente sa Bgy. Buso-Buso, Laurel, Batangas ang paglilinis sa kanilang mga tahanan na binalot ng makakapal na ash fall, kasunod ng pagsabog ng Bulkang Taal.
 ?? ALI VICOY ?? DAHAN-DAHAN ang pagdaan ng mga behikulo sa 10 sentimetro­ng bitak sa national road sa Barangay Sinisian sa Lemery, Batangas bunsod ng serye ng mga pagyanig na dulot ng pagsabog ng Mt. Taal.
ALI VICOY DAHAN-DAHAN ang pagdaan ng mga behikulo sa 10 sentimetro­ng bitak sa national road sa Barangay Sinisian sa Lemery, Batangas bunsod ng serye ng mga pagyanig na dulot ng pagsabog ng Mt. Taal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines