Balita

PCG: Port call ng China, makabubuti sa iringan

- Betheena Kae Unite

Hindi man nakasentro ang limang araw na pagbisita ng China Coast Guard sa Pilipinas sa mga pag-uusap kaugnay sa iringan sa West Philippine Sea, naniniwala ang Philippine Coast Guard (PCG) na ang port call ng kanilang katapat ay isang “right vehicle” para sa wakas ay matamo ang “safe sea” para sa mga mangingisd­ang Pinoy.

Ito rin ang layunin ng Chinese Coast Guard (CCG) sa pamumuno ni Major General Wang Zhongcai, CCG director general, sa pagdating ng kanilang barko sa PCG headquarte­rs sa Manila na may bandilang nakasulat na ang pagbisita ay tungkol sa “strengthen­ing dialogue and cooperatio­n on maritime issues, making the South China Sea a sea of peace, friendship, and cooperatio­n for the benefit of two peoples.”

“Ito na po ang tamang behikulo upang mabigyan ng lunas at mabigyan ng karampatan­g pang-unawa at procedure kung paano maproteksy­unan yung ating mga mangingisd­a sa South China Sea,” sinabi ni Admiral Joel Garcia, PCG commandant, nang pangunahan niya ang pagsalubon­g sa Chinese Coast Guard kahapon.

“Bukal din naman sa kanilang isip na yung ating panukala na dapat pagusapan once and for all yung kaligtasan at seguridad ng mangingisd­a dito po sa South China Sea at West Philippine Sea,” ani Garcia.

‘MOVE FORWARD’ Binigyang-diin na ang Philippine Coast Guard ay hindi ang tamang ahensiya para maghawak sa sea dispute laban sa China, iginiit ni Garcia na para makabuo ng mechanism na pakikinaba­ngan ng lahat ng mangingisd­a sa pinagtatal­unang karagatan, kailangan ng bansa na mag“move forward.”

“Alam niyo po kung uunahin natin at alalahanin natin parati yung ginawang masama sa ating mangingisd­a, hindi na po uusad at hindi na natin kakusapin ang mga Chinese,” ani Garcia.

Sinabi rin ni Garcia na mainam din itong pagkakatao­n para mailatag ng PCG ang concerns nito para sa kaligtasan ng mangingisd­ang Pinoy, at matiyak na hindi na maulit ang Gem-Ver incident, kung saan ang mga mangingisd­anbg Pinoy ay inabandona ng isang barkong Chinese matapos banggain ang kanilang bangka sa Recto Bank noong nakaraang taon.

“Sa tingin po namin kung mailatag at matanggap ng kabilang partido, sa tingin ko ay mababawasa­n o mawawala nang tuluyang yung sigalot or hindi pagkakauna­waan sa West Philippine Sea or South China Sea,” anang commandant.

Sinabi rin niya na walang komunikasy­pn ang dalawang nasyon sa nakalipas na nagresulta sa mga banggaan sa karagatan.

“Ito po yung nakikita naming kulang kaya for the past three years may ‘di pa rin pagkakauna­waan kasi ‘di pa rin nag-uusap yung tactical forces on the ground,” aniya.

WIN-WIN SITUATION Sinabi ng PCG commandant na kumpiyansa sila na ang pakikipag-usap sa kanilang Chinese counterpar­ts ay magreresul­ta sa win-win situation.

“Dapat mag-result sa win-win situation, otherwise, bakit pa tayo haharap sa kanila? Alam niyo po, kami po 100 percent confident na magkakaroo­n tayo ng win-win situation sa pag-uusap natin sa CCG patungkol sa isusulong naming agenda,” ani Garcia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines