Balita

Malay officials, inireklamo ng graft

- Ni TARA YAP

Iloilo City—Nahaharap sa graft complaints ang mga lokal na opisyal ng Malay, Aklan dahil sa paniningil umano nito ng bayad sa mga turista at lokal na gumagamit ng pontoons o floating walkways sa isla ng Boracay.

Nahaharap si Mayor Frolibar Bautista sa kasong graft and corruption, abuse of authority at gross negligence matapos ang pagpapatup­ad ng P30 fee sa paggamit ng pontoon, sa pamamagita­n ng paglalabas ng isang executive order.

Bagamat itinigil na ang paniningil, lumalabas umano sa mga dokumento na hindi pag-aari ng Malay local government unit (LGU) ang pontoons. Sa halip, ito ay pag-aari ng Southwest Tours Boracay Inc.

“Collection of fees was highly anomalous. There were no receipts and only temporary stubs. Can a mayor give an order on behalf of a private company?” pahayag ni Noel Cabobos, na nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman-Visayas nitong Lunes.

Ang pontoons umano sa Stations 1 at 3 ay para sa pagkontrol sa entry at exit points ng mga aktibidad tulad ng scuba diving, jet skiing, parasailin­g, island hopping, at banana boat rides sa isla.

Lumabas ang ombudsman complaint ilang araw matapos ipag-utos ng Boracay Inter-Agency Rehabilita­tion Management Group (BIARMG) kay Bautista ang pagpapatig­il sa pangongole­kta ng bayad.

Nabatid naman na una nang iminungkah­i ng Malay LGU ang pangongole­kta ng bayad sa paggamit ng pontoon, ngunit hindi ito inapbrubah­an ng BIARMG na binubuo ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Tourism (DOT).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines