Balita

Tungkulin at misyon ng isang lider

- Bert de Guzman

KUNG totoo at paniniwala­an ang balita sa isang English broadsheet noong Enero 11,2020, halos 50 porsiyento raw ng tauhan ng Philippine National Police ay overweight (labis ang timbang), obese (talagang mataba). May 190,000 pulis sa buong bansa.

Sinabi ni PNP Officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na 102,600 police officers o 54% ang may ideal weight o timbang samantalan­g siyam na porsiyento o 17,000 ang obese o mataba. Ang nalalabing iba pa ay “overweight” o labis ang timbang.

Nagbabala si Gamboa na hindi mapo-promote ang overwight at obese police officers kapag hindi sila nagdiyeta o nagpapayat. Tama, baka hingalin sila at atakehin sa puso kapag may kriminal na hinahabol. Unang sinimulan ni Sen. Panfilo Lacson, noon ay PNP chief, ang pagbabawal sa matatabang pulis. Ibinawal din niya ang paglalaro ng golf ng PNP Generals.

Ayon kay Gamboa, inutos niya sa regional directors at unit heads, binanggit partikular si National Capital Region Police Office (NCRPO) Brig. Gen. Debold Sinas, na ipatupad ang weight reduction program batay sa body mass index (BMI) ng isang tao.

Binigyang-diin niyang umaasa ang publiko sa

mahusay at magandang serbisyo ng mga pulis kung kaya dapat na nagtatagla­y ng tamang timbang at hindi mataba. “How can you chase after criminals if you are too big?”.

Tama rito si PNP chief Gamboa. Baka sa halip na mahuli ang tumatakbon­g kriminal, una pang matigok ang matabang pulis kapag nag-collapse o kaya’y pulutin sa ospital dahil inatake.

Batay sa mga ulat, nangunguna ang Chinese nationals sa mga magugulo at bastos na dayuhan na dumarating sa mga paliparan sa bansa. Ito ay base sa statistics ng Bureau of Immigratio­n (BI). Ayon kay BI commission­er Jaime Morante, pinagbawal­an ng mga opisyal ng immigratio­n ang 180 “discourteo­us aliens” sa pagpasok sa bansa nitong 2019.

Sa rekord ng BI airport operations, sa magugulong dayuhan 63 ang Chinese o 37 % ng pinagbawal­ang mga dayuhan, kabilang ang 23 Koreans, 10 Amerikano, siyam

na Hapones, walong Australian, at limang Briton.

Sinabi ni Morante na ang magugulo at walang galang na mga dayuhan ay agad ipinababal­ik sa kanilang mga bansa, blackliste­d at idinidekla­rang undesirabl­e aliens na hindi muling makapapaso­k sa Pilipinas. oOo

May mga balitang tatakbo sa pagka-Pangulo si exSen. Bongbong Marcos sa 2022. Kapag hindi natapos ang kanyang protesta laban kay Vice Pres. Leni Robredo hanggang sa sumapit ang pag-aaplay niya sa Comelec upang tumakbo sa panguluhan, nangangahu­lugan na pinabayaan na niya ang electoral protest.

Ito ang nangyari noon kay ex-Sen. Loren Legarda vs ex-Vice Pres. Noli de Castro. Naghain siya ng protesta laban kay Kabayan, pero dumating ang halalan sa pagka-senador at pinili niyang tumakbong muli sa senatorial race kaya nabalewala ang kanyang electoral protest. Buti nanalo naman siya uli bilang senador.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines