Balita

‘Wag ibaon sa limot ang kaso ni ‘General Snatcher’

- Dave M. Veridiano, E.E.

MALAKI ang agam-agam ko sa dibdib, na sana’y ‘di ganap na matabunan ng mga rumaragasa­ng balita hinggil sa ash fall, kumukulong lava at lahar, mula sa pumuputok na Taal Volcano ang mabigat ding kuwento hinggil naman sa “snatcher general,” na nang-agaw ng cellular phone ng isang broadcast journalist na nagkocover sa nakaraang Traslacion sa Quiapo, Maynila.

Nababahala ako na baka nga mabaon din sa limot ang kontrobers­iyal na balitang ito, hinggil sa pag-agaw ni Police Brigadier General Nolasco Bathan, district director ng Southern Police District (SPD) sa Metro Manila, sa cellular phone ng GMA-7 reporter na si Jun Veneracion, sa gitna ng prusisyon ng imahe ng Itim na Nazareno sa Ayala Bridge nitong Huwebes.

Sa tagal ko na kasi sa pagiging reporter sa main stream media, maraming beses na akong nakasaksi ng ganitong pangyayari, na natatabuna­n ng isang breaking na malaking balita, ang mga pinag-uusapang mainit na isyu sa radio, diyaryo, telebisyon, at idagdag pa ngayon ang socmed.

‘Di ito maiiwasan lalo pa’t ang breaking news ay hinggil sa kapakanan at kaligtasan ng mas nakararami­ng kababayan natin – gaya nga nang pagputok ng Taal Volcano na halos umabot na sa 6,000 ang nailikas na mula sa delikadong lugar sa palibot ng makasaysay­ang Taal Lake.

Halos kasabay kasi nang pagputok ng Taal Volcano, ang naging pahayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magsasagaw­a ito ng imbestigas­yon sa reklamo ni Veneracion, na inagaw ni RD Bathan ang

kanyang smart phone habang kinukunan niya ng video, ang nagaganap na “bakbakan” sa pagitan ng mga pulis at mga deboto sa Traslacion ngayong taon.

Nang araw din kasing ‘yon, nagbuga ng usok ang Taal Volcano, at makaraan lamang ang ilang oras, sinundan ito nang napakalaka­s na pagsabog, na naging sanhi naman nang pagkalat ng mapinsalan­g ash fall na umabot hanggang Metro Manila at kanugnog na mga lalawigan nito.

Resulta -- hindi na napansin ang mga follow-up na balita hinggil sa “cellphone snatching,” lalo na ang pag-amin ni GenBathan na siya nga ‘yung kumuha ng cellphone pero, ipinagpili­tan na wala siyang ipinabura na video mula rito.

Mahirap daw humingi ng paumanhin kaya’t masasabing isang “maginoo” na opisyal si RD Bathan sa paghingi nito ng paumanhin kay Veneracion – Weh ‘di nga?

Papayag akong ilapat ang salitang “maginoo” kay RD Bathan kung minsan lang niya ito ginawa, pero kung dati niya na itong nagawa - sa ibang police district o region nga lang – at sa isang taga-media rin at nag-sorry siya, aba’y iba nang usapan ‘yan.

Me tama ba ako rito Don Leandrew Solmayor-Tiu, reporter ng PRTV12 saTacloban City? Aba’y magkuwento ka naman kung ano ang nangyari sa pagitan ninyo ni RD Bathan noong 2013 ng siya ay Colonel pa lamang at naka-assign sa PNP-PRO-8.

Nagpahayag si PNP OIC Lieutenant General Archie Gamboa, na pai-imbestigah­an niya agad ang pangyayari­ng ito, kasabay ang kalituhan at perwisyong naidulot ng tinatawag na “Andas Wall’ –imbensiyon ng mga pulis upang mapigilan ang mga deboto na harangin ang prusisyon, sumampa at humalik sa Itim na Nazareno, bahagi ng panata ng mga ito – na sa halip na makabuti ay tila nakasama pa dahil maraming deboto ang nasaktan dito.

Sana naman ay humupa na ang pagngangal­it na ito ng Taal Volcano upang makabalik na sa normal ang takbo ng pamumuhay ng mga kababayan nating apektado nito, at mabalik na rin sa normal ang mga “coverage” sa mga balitang natabunan nito – gaya ng kontrobers­iyal na isyu ng “snatcher general” ng PNP.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines