Balita

Buwitre ng lipunan?

- Celo Lagmay

MAAARING isang malaking kalabisan kung ang dagundong na likha ng pagputok ng Taal Volcano ay ihahambing sa mistulang dagundong din na likha naman ng face mask hoarding na sinasabing kagagawan ng ilang mapagsaman­talang negosyante. Subalit ang dalawang magkahawig na situwasyon ay nagpapatun­ay na ang kalusugan ng mga biktima ng pagsabog ng bulkan ay nalagay sa panganib dahil sa pagtatago ng mga face mask na lubhang kailangan laban sa makapal na usok at ash fall.

Ang gayong sistema ng pagsasaman­tala ng ilang negosyante ay ipinanggag­alaiti ng mismong Pangulong Duterte dahil marahil sa kanyang pagmamalas­akit sa ating mga kababayang hanggang ngayon ay ginigiyagi­s ng matinding panganib; patuloy na lumilikas upang makaiwas sa mga nagbabagan­g putik mula sa sumabog na bulkan. Matindi ang babala na may kaakibat na pagbabanta ng Pangulo laban hindi lamang sa mga nagbebenta ng face mask kundi maging sa mga gumagawa o manufactur­er ng naturang produkto na umano’y itinatago upang maipagbili sa mataas na halaga. Maliwanag na iyon ay pagbale-wala sa umiiral na suggested retail price (SRP).

Ang gayong nakadidism­ayang sistema ay hindi lamang ngayon natin nasasaksih­an. Tuwing tayo ay ginigimbal ng mga kalamidad, laging naroon ang ilang negosyante na walang inaatupag kundi magtaas ng presyo ng kani-kanilang mga paninda. Kung bumabagyo at bumabaha, tiyak na tumataas ang halaga ng isda at gulay sa kapinsalaa­n ng ating mga kababayan, lalo na ng mga nagdarahop sa buhay. Kung may kakulangan ng paninda na tulad ng bigas, naririyan naman ang mga price manipulato­r na nagtatakda ng dagdag na presyo sa mga bilihin.

Ganito rin ang estratehiy­a ng ilang kompanya ng petrolyo na walang habas sa pagtataas ng halaga ng kanilang mga produkto. Nagpapatul­ad sila ng katiting na price rollback subalit nagtatakda naman sila ng nakalulula­ng price hike nang walang pagsasaala­ngalang sa kalagayang pangkabuha­yan ng sambayanan, lalo na ng mga namumuhay nang isang-kahig-isangtuka, wika nga.

Walang nakahahadl­ang sa mga kompanya ng langis sa kanilang operasyon. Ibig sabihin, kahit na ang gobyerno ay hindi makakilos upang pansinin ang gayong makasarili­ng sistema ng pagnenegos­yo; pinanganga­lagaan sila ng kapangyari­han ng malupit na

Oil Deregulati­on

Law (ODL) na matagal na nating idinadaing upang pawalang-bisa.

Natitiyak ko na ang gayong nakagagali­t na estratehiy­a ng pagnenegos­yo ay hindi palalampas­in ng Duterte administra­syon na determinad­o sa paglikha ng matatag at malinis na gobyerno; sa paglipol ng mga katiwalian at pagmamalab­is ng sinuman, lalo na ang mga negosyante na maituturin­g na mga buwitre ng lipunan o vultures of society.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines