Balita

‘Nightshift’ first medical horror movie

- Ni NORA V. CALDERON

NAKILALA at hinangaan si Director Yam Laranas sa paggawa ng horror films tulad ng mga pelikulang The Road ni

Alden Richards at Sigaw ni Iza Calzado na parehong ipinalabas sa ilang US cinemas at Aurora ni Anne Curtis, na naging entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

This time, nag-try naman si Direk Yam ng isang medical horror movie, ang Nightshift na nagtampok sa mahusay na actress na si Yam Concepcion. Ang story nito ay naganap lamang sa loob ng isang gabi, sa hospital morgue.

“Medyo matagal bago ko natapos ang script ng “Nightshift” dahil kailangan ko ang scientific research,” kuwento ni Direk Yam sa mediacon. “Dito sa movie, malalaman ninyo ang katotohana­n tungkol sa pagkamatay ng isang tao. Nakipagusa­p ako sa mga kakilala kong doctors, at doon ko nalaman na kahit ang isang tao ay namatay na, ang kanyang brain ay buhay pa rin, kahit 10 minutes or more buhay pa ito, kaya kung minsan, sinasabing ‘nabuhay ang patay,’,kapag kahit patay na ay sinisikap pa rin ng mga doctor na i-revive siya, dahil buhay pa ang kanyang brain.”

Si Yam Concepcion ang one and only choice ni Direk Yam na star niya sa

movie. Para sa kanya, si Yam daw ay isa sa mga mahuhusay na actress ngayon. Hindi raw siya nahirap ang idirek si Yam dahil wala itong reklamo sa mga ipinagagaw­a niyang eksena kahit nakatatako­t.

“Ang totoo po ay matatakuti­n ako, nanood nga lamang ako ng mga horror films nang tanggapin ko ang offer ni Direk Yam at ng Viva Films, para malaman ko ang mga reaction nila,” sagot ni Yam. “Wala naman po akong naramdaman bilang si Jessie sa movie na nightshift ang work niya sa isang morgue. Siguro po kaya wala rin akong narinig na kung anu-ano tulad nang sinasabi nila, dahil hindi naman kami sa loob ng hospital morgue nagema shoot. Ang naging problema ko po lamang kung paano ko ipakikita ang takot ko sa araw eksena. kahit akong na Nagkataon first maysakit. time namin to work together. pa But I trust direk Yam naman noon na ilang Alam pagdating ko po sa kasing mga horror films.” mahusay siyang director,

Kasama ni Yam sa movie sina Michael de Mesa, Irma Adlawan, Mercedes Cabral, Epi Quizon at Soliman Cruz. Joint production venture ito ng Viva Films at Alliud Entertainm­ent, showing on January 22, 2020 at may premiere night sila sa January 21.

 ??  ?? Yam
Yam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines