Balita

SB19, wish maka-collaborat­e sina Gary V, Morissette at Sarah G.

- Ni REGGEE BONOAN

SA wakas ay nakita na rin namin ng personal at malapitan ang grupong SB19 na bagong tinitilian ngayon ng millennial­s dahil Pinoy K-Pop daw sila at mahuhusay kumanta at sumayaw.

Nitong Eneto 9 ang launching ng bagong single nilang ALAB sa Novotel at ipinakita rin ang music video na ginawa nila na ayon sa limang miyembrong sina Sejun, Stell, Josh, Ken, at Justin ay 28 oras nilang sinyut.

Nu’g una ay chillax at excited pa silang pumunta sa MTV shoot pero dahil sa hirap at maraming rehearsal at kailangang baguhin ay sobrang pagod na sila at dumating pa sa puntong nasusuka na sila sa puyat at pagod.

Pero nu’ng natapos at pinanood nila ay nawala lahat ang naramdaman nilang hirap at puyat dahil ang ganda ng resulta.

Kaya naman hindi kataka-takang umabot kaagad sa 500,000 views sa Youtube ang MTV nilang Alab na hindi sila makapaniwa­la dahil halos 24 oras palang itong na-upload.

Say ni Justin, “Very thankful kasi hindi po mangyayari lahat ‘to kapag hindi po sila nag-support from the start. Until now they’re trying to introduce us to other people parang yung friends nila, yung family, talaga pinapakila­la nila.”

Sinilip namin ang SB19 Youtube habang tinitipa namin ang balitang ito at umabot na sa 1.4M views sa loob ng apat na araw.

Naikuwento naman ni Robin Geong o Tatang Robin, CEO ng ShowBT Philippine­s kung paano nila plinano ang MTV ng Alab at ang mga magagandan­g plano para sa 2020 na magkakaroo­n ng mas maraming concerts sa buong Pilipinas at hopefully sa ibang bansa.

Say ni Justin kay tatang Robin daw ideya na magkaroon sila ng kanya-kanyang kulay para pagkakakil­alanlan.

Kulay pula ang pinili ni Josh na habang kumakanta ay may mga pulang tali sa paligid “Ako ‘yung tao na dominant ‘yung personalit­y ko. I don’t want anything to control me pero by falling in love, parang nako-control po ako nung kung sino man or kanino ako nai-in love.”

Itim naman ang pinili ni Ken na nasa loob siya ng box na babasagin.

“The box represents my comfort zone. Kasi may character din po ako na I don’t want to look vulnerable po sa harap ng mga tao. I don’t want to look weak. So as much as possible, hindi po ako vocal sa feelings ko sa mga tao kasi baka po ma-reject ako or ma-disappoint lang ako so ayoko pong magmukhang mahina sa kanila. But sa love po parang du’n ko na-realize na walang ibang paraan, you have to get out of that box, sirain yung box na yun para ma-express ko yung feelings ko.”

Ayon naman kay Justin na ang pinili ay kulay green, “Yung story po nu’ng zone ko na parang I don’t know what to express, parang pina-plastik ko ‘yung sarili ko na meron akong pinapakita­ng iba’t ibang emotions towards the girl na, ‘Ah baka kailangan kong maging maangas, kailangan kong maging cute sa kanya. In the end, na-realize ko na kailangan ko lang maging sarili ko.”

Sabi naman ni Stell ang yellow ay akma sa personalid­ad niya dahil, “Tulad po ng sabi ng fans na parang ako daw po yu’ng nagre-represent ng ray of sunshine. In-accept ko na po ‘yun na aminado naman po ako sobrang vocal po ako sa lahat ng bagay, talkative po talaga akong tao, sobrang showy, sobrang kung anong nasa loob ko po sinasabi ko po. Yun po yung pinakita ko sa music video.”

At si Sejun ay violet ang napili, “Initially, kaya ko siya pinili kasi sa flame, siya po yung pinaka-mainit sa color palette po ng flames. Sa ngayon po, somehow, siguro narerepres­ent po nung yung personalit­y ko. Pero hindi ko po masasabi na fully na personalit­y ko talaga yun kasi sobrang cute po nung pinaggagaw­a ko dun na kahit ako nagki-cringe na ako sa ginagawa ko sa music video.”

Sa sobrang kasikatan ngayon ng SB19 ay nakapasok sila sa Billboard Social 50 base sa website sa Korea ay weekly ranking ito ng mga artists na aktibo sa social media.

At dahil sikat na ang SB19 ay paano naman nila ini-enjoy ito.

“Masaya, kasi hindi po namin ine-expect na ganun yung tanggap ng mga tao sa amin.

“So para sa akin, sobrang nakakaover­whelm lang po na ma-appreciate nila yung music na ginagawa namin. We worked hard for it.’Yung maapprecia­te ka lang ng tao, sobrang saya na sa pakiramdam,” say ni Ken.

Para kay Josh, “Siguro po ‘yung people outside, nare-recognize na po kami easily ngayon unlike before. Pero yung personalit­y po namin, still the same. Kung gaano po kami ka-effort noon, siguro ngayon doble pa po yung effort namin.

“Kung ano po yung pinakita namin before sa inyo, na personalit­y namin, same pa rin po, ‘yung mindset po namin, yung pagwowork hard po namin. Para sa amin, yun po talaga yung pinaka-reason bakit kami andidito ngayon kaya po hindi na po mawawala sa amin yung ganung personalit­y.”

Masayang sabi ni Justine, “Kunyari sa parents nila, meron po kasi kaming nami-meet na parents na they’re happy na yung children po nila, inspired sa amin na parang ginagaling­an po sa school. Minsan may kinuwento pa yung parent na, ‘May task munang kailangang gawin yung anak ko bago bilhin yung gusto niya.’ So from there, parang meron kaming nagagawang something good for their family, hindi lang as fan girl po.”

Umaasa naman si Sejun na hindi sila bibitawan ng kanilang supporters hanggang saan sila makarating.

“Hindi namin ine-expect pero nangangara­p po kami na sana balang araw, makarating din po kami sa ganitong level and siguro mas higher pa. And we’re very thankful po na sa effort namin, maraming tao na ang kasama namin para tumulong sa amin ma-achieve yung mga naachieve namin ngayon. Sana po this 2020, kasama pa rin po namin sila.”

Pangarap din ng SB19 na sana makapag-perform silang P-Pop sa Amerika at hindi lang sa Asian countries tulad ng Korea at gusto nilang maka-collaborat­e ang sikat na singers tulad nina Gary Valenciano, Sarah Geronimo at Morissette.

Hmm, bakit hindi nila binanggit si Sandara Park?

Anyway, abangan ang kumpletong schedule ng SB19 sa kanilang social media accounts.

 ??  ?? SB19
SB19

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines