Balita

Kissing scene ng RitKen, inaabangan

- Ni NORA V. CALDERON

DAPAT pala ay matatapos na first week of January, 2020 pa lamang ang romantic-comedy series na One of the Baes na produced ng GMA News & Public Affairs at nagtatampo­k sa RitKen (Rita Daniela at

Ken Chan) love team, pero na-extend pa ito ng another two weeks. Sina Rita at Ken ang nagpahayag nito noong ma-interview sila sa

All-Out Sundays, ang new Sunday noontime show ng GMA Network. Natanong kasi sila kung kailan matatapos ang kanilang serye na talaga namang kinatutuwa­an at laging wagi sa ratings gabi-gabi.

“Thankful po kami nang malaman naming na-extend pa kami,” sagot ng dalawa. “Kaya salamat po sa GMA at sa mga sumusubayb­ay sa amin gabi-gabi, pagkatapos ng The Gift. Marami pa po kayong aabangang eksena dahil sa ngayon malalaman na ni Jowalyn (Rita) na ang tunay niyang mga magulang ay sina Josephine (Amy Austria) at Francis (Tonton

Gutierrez) matapos mahiwalay siya sa kanila nang magkaroon ng sunog sa barko na minamaneho ni Francis.”

Natawa ang dalawa nang sabihin naming ang inaabangan din ng mga netizens ay ang “moment” nilang dalawa, dahil si Jowa talaga ang gusto ni Grant at si Grant naman ang gusto ni Jowa at hindi si Charles (EA Guzman), na nagpipilit magustuhan siya ni Jowa.

Teaser pa lamang kasi ng kissing scene ay benta na sa mga netizens at sana raw ay totoo ang eksena at hindi sila ibitin nina Grant at Jowalyn. Marami pa ring kaabangaba­ng na eksena, tulad ng kung paano maghihigan­ti si Alona (Melanie Marquez) kay Josephine at si Charles kay Grant. At si Paps (Roderick Paulate) ngayong mawawala na sa kanya ang adoptive daughter niyang si Jowa.

 ??  ?? Ken at Rita
Ken at Rita

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines