Balita

Ikasiyam na labas

- R.V. VILLANUEVA

NGUNIT sa paglipas ng araw, may mga taga-barangay Alagaw na nagpagamot kina Horacio at Karina ang hindi nila napagaling sa halip lumala ang sakit at tuluyang namatay nang madala sa ospital. Labis na nagtaka ang mag-asawang albularyo at albularya sa pangyayari dahil kakaiba ang sakit na dumapo sa mga kabarangay na nagpagamot sa kanila. Dahil sa nangyari, kumalat at naging usapusapan sa barangay Alagaw ang nangyari kaya nagkaroon ng iba’t ibang paniniwala sa sakit ng mga kabarangay nila. Kabilang sa nabuong paniniwala, kinulam ang mga kabarangay nilang nagkasakit ng kakaiba at namatay na sila Mang Domeng, Aling Talia at Mang Tulume. Nagmula ang paniniwala kay Tandang Maria na katulad ni Tandang Mundong, mahusay at magaling na abularya na nakatira sa kalapit na barangay ng Alagaw. At dahil kinikilala rin ang husay at galing ng albularya, naniwala ang mga kapamilya na kulam ang ikinamatay ng tatlo nilang kabarangay sa pamamagita­n ng ibinigay na mahiwaga at kakaibang sakit.

“Sabi ni Tandang Maria,‘ yung albularya sa kabilang barangay, pipilitin niyang malaman kung sino ang mangkukula­m na pumatay kay itay,” wika ni Roman, anak ni Mang Domeng.

“Ganyan din ang sinabi sa akin ni Tandang Maria, pipilitin niyang alamin kung sino ang mangkukula­m sa ating barangay na pumatay sa aking ina,” sagot ni Daniel, anak ni Aling Talia.

“Pareho pala ang sinabi ng albularyan­g ‘yun sa nangyari kay itay”, wika ni Jaime, anak ni Mang Tulume na katulad nila Mang Domeng at Aling Talia, namatay sa kakaibang sakit.

“Ano ng binabalak mo kapag nakilala ni Tandang Maria ang mangkukula­m na pumatay sa ating magulang?” Tanong ni Roman na damang-dama sa tinig ang malaking galit.

“Papatayin ko ang mangkukula­m na ‘yun,” sagot ni Daniel. “Hindi dapat patuloy na mabuhay ang taong walang kaluluwa at konsensya!”

“Ganyan din ang gagawin ko sa mangkukula­m na ‘yun kapag nakilala ni Tandang Maria,” wika ni Jaime na tulad nila Roman at Daniel nagpupuyos sa malaking galit dahil sa pagkamatay ng magulang.

“Makilala kaya ni Tandang Maria ang mangkukula­m?” Tanong ni Roman.

“Tiyak,dahilisasi­yasapinaka­mahusay na albularya sa ating lugar,” sagot ni Daniel. “Walang dahilan para hindi niya makilala ang mangkukula­m na pumatay sa ating magulang!”

“Dapat lang na makilala ni Tandang Maria ang mangkukula­m na ‘yun para maiganti natin ang ating magulang,” wika ni Jaime. “Ibig kong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng aking ama!”

Samantala, makalipas ang ilang buwan, isang araw maagang gumising sa lumang bahay ang mag-asawang Rolan at Lyka dahil maglilinis sila sa kuwarto ni Tandang Mundong na ginawaring imbakan ng mga gamit ng matandang albularyo. Tumanggap sila ng text message mula kay Allea na uuwi ang matandang albularyo sa barangay Alagaw dahil may kukuning mahalagang bagay. Lubos na naunawaan ni Rolan na kahit panahon na ng iba’t ibang makabagong komunikasy­on, hindi pa rin marunong gumamit ng ganitong gadget ang pinakamata­nda sa kanilang angkan. Batid din niyang nakikipag-ugnayan kay Tandang Mundong ang mga anak na sila Warren at Helen sa pamamagita­n ni Allea na dahil kabilang sa makabagong henerasyon, laruan lamang ang paggamit sa mga makabagong gadget katulad ng cellphone. Ang batang babae na rin ang gumagawa ng paraan para magkausap at magkita sa pamamagita­n ng makabagong gadget si Tandang Mundong at mga anak nanagtratr­abaho at naniniraha­n na sa abroad.

“Kailan daw darating si Lolo Mundong?” Tanong ni Lyka na tumigil ng saglit sa paglilinis sa kuwartong matandang albularyo.

“Batay sa text ni Allea kanina, bukas ng umaga darating si Lolo Mundong,” sagot ni Rolan.

“Sasalubung­in mo pa ba siya sa terminal ng bus sa bayan?” Tanong uli ni Lyka.

“Kailangan,” sagot ni Rolan. “Dahil kahit dalawang taon pa lamang naniniraha­n sa Metro Manila si Lolo Mundong, baka malito sa pagpunta rito sa barangay Alagaw!”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines