Balita

Tulong, bumuhos sa evacuees ng Taal

- May ulat nina Raymund F. Antonio, Ivy Tejano, Dhel Nazario, Joseph Almer Pedrajas, Mary Ann Santiago, at Beth D. Camia

Bumuhos ang tulong para sa mga residente na lumikas sa pagsabog ng Mt. Taal sa lalawigan ng Batangas.

Umarangkad­a ang relief work ng Office of the Vice President Leni Robredo na naghanda ng emergency food packs.

Kumilos na rin ang Philippine Red Cross (PRC.) Inihayag ni Senator Richard Gordon, chairman ng PRC, na nagdala ang health volunteers ng emergency at hygiene kits gaya ng 1,800 pirasong “N95” masks. Namigay din sila ng mga damit, sapatos, kumot at tubig, at portable na CR.

Nagpadala rin ang Davao City Government ng 5,000 food packs sa Sto. Tomas, Tanauan, at Calaca.

Ayon kay City Informatio­n Office head Jeffrey Tupas, tumatangga­p pa rin ang Task Force (TF) Davao ng mga donasyon sa kanilang headquarte­rs sa Sta. Ana Wharf Compound.

Dinala naman ng Taguig City Rescue team at the City Social Welfare and Developmen­t ang kanilang relief items sa Tagaytay City Centrum nitong Martes. Ang mga ito ay kinabibila­ngan ng bottled waters, N95 facial masks, hygiene kits with toothbrush, toothpaste, soap, face towel, shampoo; at family food packs na may rice, noodles, canned goods, coffee, and biscuits.

Nagtungo rin sa Batangas ang mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO), sa pangunguna ni General Manager Royina Marzan-Garma, para mamahagi ng 5,000 piraso ng N95 respirator­y masks; 3,300 grocery packs; P950,000 halaga ng food packs at P150,000 halaga ng iba’t ibang uri ng mga gamot, sa mga apektadong residente.

Kahun-kahong donasyon naman mula sa gobyerno ng China ang kasabay sa pagbisita sa bansa ng Chinese Coast Guard sa pangunguna ni Director General, Major General Wang

Zhongcai.

Namahagi rin ang mga miyembro ng National Alliance of Roaders, binubuo ng iba’t ibang grupo ng 4x4 car enthusiast­s, ng relief goods na binubuo ng bigas, biscuits, canned goods, kulambo at iba pang basic necessitie­s.

DONASYON

Umaapela ang Caritas Manila, ang social action arm ng Archdioces­e of Manila, ng mga sumusunod: food packs, clean potable water and water containers, cleaning materials, sleeping mats, blankets, mosquito nets, flashlight­s, rechargeab­le batteries, at emergency lamps.

Ayon sa Caritas, kailangan din ng toothbrush, toothpaste, bath and detergent soap, shampoo, sanitary pads, disposable diapers, medical kits including basic medicines at N95 masks.

Sinabi ng Caritas na ang mga donasyon ay maaaring ipadala online sa pamamagita­n ng a https://ubpay.com.ph/caritasman­ila/ and choose Caritas Damayan Taal Volcano.

“You may also drop off your donation at the Caritas Manila office: 2002 Jesus St. Pandacan, Manila,” ayon dito.

SECOND COLLECTION Kaugnay nito, magsasagaw­a ang Manila Archdioces­e, ng second collection para sa mga biktima ng pagsabog ng Mt. Taal.

Sa inisyung Circular Letter ng Manila Archdioces­e, na pinamumunu­an ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, inaatasan ang lahat ng Parish Priest, Rector at Chaplain na magsagawa ng second collection, sa lahat ng banal na misa na idaraos sa kanilang mga Parokya simula Enero 18 ng gabi at buong araw ng Enero 19, kasabay ng Holy Childhood Sunday.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines