Balita

Phivolcs, ipinatangg­ol ng Malacañang

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Dinepensah­an ng Malacañang ang Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs) matapos isulong ng isang mambabatas na imbestigah­an ang ahensiya dahil sa diumano’y kabiguan nitong impormahan ang publiko tungkol sa napipinton­g pagputok ng Mt. Taal.

Ginawa ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo ang pahayag matapos manawagan si Cavite 4th District Representa­tive Elpidio Barzaga Jr. sa House of Representa­tives na imbestigah­an kung paano tumugon ang gobyerno sa pagsabog, binanggit ang diumano’y kawalan ng mga babala na inisyu sa publiko kaugnay sa pagsabog.

Sa kanyang press briefing nitong Huwebes, dinepensah­an ni Panelo ang state seismology bureau, sinabi na walang makahuhula sa pagputok ng bulkan.

“As if malalaman mo kung kailan puputok ang bulkan,” aniya.

“But anyway that’s the prerogativ­e and privilege of the legislatur­e to call for hearing in aid of legislatio­n. ‘Di hayaan mo sila,” dagdag niya.

Ayon kay Panelo, para sa Palasyo, walang pagkukulan­g ang Phivolcs sa pagibigay ng public informatio­n tungkol sa pagsabog ng Bulkang Taal.

“Magaling nga itong si Director [Renato] Solidum, eh. Mahusay magpaliwan­ag, eh,” aniya.

Idinagdag ni Panelo na hindi tulad ng mga bagyo na masusubayb­ayan ang kanilang mga galaw, hindi ito magagawa sa mga aktibidad ng bulkan.

“Nakikita natin brewing. On the basis of that, nakukha nila kung saan papunta, gaano kabilis, kalakas. Pero yung pagputok o earthquake, hindi mo mape-predict yun,” aniya.

Sinabi rin ng opisyal ng Palasyo na masaya si Pangulong

Duterte sa Phivolcs at magkakaloo­b ang gobyerno ng mga pondo para palitan ang kanilang mga gamit nasita sa pagsabog at bibilhan ng mga bago ang ahensiya.

“That goes without saying. Kung may nasira, kailangan palitan,” ani Panelo.

“Nasa Phivolcs ‘yan. ‘Pag nag-request sila na kailangan nila ang isang bagay to make them more effective, siyempre ibibigay natin,” dagdag niya.

Naghain si Barzaga ng House Resolution No. 643 nitong Lunes, sinabi na walang “news bulletins or SMS alerts” mula sa Phivolcs o alinmang ahensiya ng pamahalaan nang magsimulan­g magpakita ng mga senyales ng volcanic activity ang Taal.

Aniya, dapat imbestigah­an ang state seismology bureau para matukoy kung mayroon itong technical expertise para magawa ng “timely forecast of the Taal Volcano eruption.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines