Balita

Liza Soberano, magaasawa before 30

- Ni REGGEE BONOAN

MULI naming inabutan ang Tuesday episode ng Make it with You teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil at mesmerized talaga kami sa dalawang bida, ang fresh kasi nilang panoorin sa screen bukod kasi sa guwapo’t maganda kaya mapapa-smile ka habang nanonood bukod pa sa ang ganda ng bansang Croatia…hmm another on bucket list.

May mga teleserye kasing magandang panoorin sa simula pero pagkatapos ng maraming episodes hindi mo na susundan kasi nakaka-stress panoorin imbes na feel good sana ang mararamdam­an mo. Kami lang ‘to ha, hindi namin nilalahat.

Anyway, may mga conflict na kaagad sa ikalawang episode sina Billy (Liza) at Gabo (Enrique), plus sa may-ari ng bahay na tinitirhan ng dalaga pero okay naman kasi aabangan mo kung anong susunod na mangyayari, sana lang hindi lumaylay ang kuwento hanggang dulo. Minsan kasi isang linggo lang okay tapos sa susunod na week, off na.

But knowing direk Cathy ay walang laylay naman sa pagkakatan­da namin sa lahat ng nagawa niyang serye. Si direk Richard Arellano naman ay susundan lang ang takbo ng kuwento, pero siyempre iba pa rin ang istilo niya bilang lalaking direktor kumpara sa babae.

Anyway, nakausap namin kamakailan ang manager ni Liza na si Ogie Diaz at tinanong namin ang tungkol sa napag-usapan sa presscon ng Make it with You na tinutukson­g ikakasal na sila ni Quen.

“Wala pa ‘yan, alam ko hindi pa sa ngayon,”sambit ni Ogie.

Sabi namin, ‘oo nga career muna, puwede namang kahit after 30 years old na.' Sabi kasi ni Liza ay bago siya mag-trenta anyos ay gusto na niyang mag-asawa.

Hirit ni Ogie, “huy, ano ka ba, matanda na si Liza pag after 30 pa, mahihirapa­n na siya, mas okay na ‘yung sinabi niyang before kaysa after. Saka ang mga sikat ngayong artista alam nila mag-control kung ilan ang anak nila, halos lahat isa o dalawa lang gusto nila kasi inaalagaan din nila ang katawan nila. Ayaw nilang tumaba."

Tama naman!

 ??  ??
 ??  ?? Liza at Ogie
Liza at Ogie
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines