Balita

Indonesian, nasagip sa ASG

- Martin A. Sadongdong

Ligtas na nasagip ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) nitong Miyerkules ng gabi ang isang mangingisd­ang Indonesian na dinukot ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sabah, Malaysia noong Setyembre 2019.

Matapos ang 115 araw ng pagkakabih­ag, nasagip rin sa wakas si Muhammad Farhan, 27 anyos, ng mga elemento ng Western Mindanao Command (WestMinCom) sa Barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu dakong 6:45 p.m.

Ayon kay Lieutenant General Cirilito Sobejana, WestMinCom commander, naglunsad ang mga tropa ng serye ng “intensive combat and intelligen­ce operations” na nagresulta sa pagkakasag­ip kay Farhan.

“Troops on the ground received informatio­n from the locals of Farhan’s whereabout­s [which] led to the successful rescue,” aniya.

Iniulat na nakatakas si Farhan sa mga dumukot sa kanya hanggang isa isang sibilyan ang nag-ulat sa militar tungkol sa lokasyon ng mangingisd­a.

Kasunod nito ay tinungo ng mga sundalo ang lugar para iberipika ang tip na nagresulta sa pagkakasag­ip sa kanya.

Sinabi ni Sobejana na ang nasagip na kidnap victim ay dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para sa inisyal na pagsusuri. Sunod siyang inilipat sa Camp Navarro General Hospital para sa medical tests at custodial debriefing.

“We are very pleased with this remarkable accomplish­ment of our Joint Task Force Sulu,” ani Sobejana.

Kabilang si Farhan sa tatlong mangingisd­ang Indonesian na dinukot ng mga militanten­g ASG habang nangingisd­a sa Lahad Datu Island noong Setyembre 22, 2019.

Ang dalawa pang mga kasamahan ni Farhan, sina Maharudin Lunani, 48, at Samion Bin Maniue, 27, ay nailigtas ng militar noong Disyembre 22, 2019.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines