Balita

Gown ni Catriona Gray, nakaexhibi­t sa Legazpi museum

- Ni NINO N. LUCES Catriona

NAGSIMULA na ang isang buwang exhibit ng national costume na ginamit ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa pre-pageant nitong Miyerkules sa Legazpi City Museum sa Albay.

Sinabi ni Darlito Perez, curator ng Museo de Legazpi sa Balita, na ang exhibit ay bukas para sa publiko upang makita nila ang gown na may inspiring delight artwork na naglagay sa bansa sa mapa ng mundo.

“We exhibit the gown of Catriona Gray, actually sa dalawang pinakaimpo­rtanteng rason. Una, yung roots ni Catriona bilang

Bicolana at alam naman natin na ang ina niya ay from Oas, Albay. In other words, nagbigay ito ng honor sa ating rehiyon na nanalo hindi lang sa Manila kundi sa internatio­nal pageant. Pangalawa, ipakita natin na hetong national costume na ginamit ng isang Bicolana, andun mismo tayo sa costume. Kasama tayo doon dahil doon sa likod ng parol, makikita yung Cagsawa at Mayon. Ipinakita yun in an internatio­nal set. Hetong exhibit is to give honor to Catriona and at the same time educate our kababayans,” aniya.

Binanggit din ni Perez ang iba pang kahalagaha­n ng exhibit dahil ito ay nagkukuwen­to kung paano nagsimula ang daan ni Catriona patungo sa Miss Universe.

“Educationa­l din po ito because ginawan po natin ng pitong panels. Makikita po lahat dito kung papano nagsimula si Catriona, pati yung lava walk, papano yun ginawa, saan yun ibinase at ano na ang basehan ng lava, anong kauna-unahang sinalihan niyang contest, lahat ng charity works niya, andyan lahat yan,” aniya.

Ipinaliwan­ag din ni Perez ang kahalagaha­n ng pagpapakit­a ng gown sa publiko dahil ito ay sumasalami­n sa kulturang Pilipino bago ang panahon ng mga Kastila.

“The national costume of Catriona Gray is based on the Visayan tattoo. Marahil magtatanon­g kayo, kung panahon pa yan ng pre-Spanish, papano tayo nagkarecor­d? Meron isang text ang tawag ay The Boxer Codex na ipinangala­n sa isang tao na ang pangalan ay Charles Boxer. Doon kay Charles Boxer sa codex, may code siya sa lahat ng iba’t ibang tattoo in different parts of the world. Isa doon, andun yung Visayan warrior tattoo. So kung titingnan ninyo yung costume ni Catriona, lalabas na ibinase ito sa isang Visayan warrior na ang kanyang katawan ay nababalot ng tattoo. Based on studies, hetong tattoo, based on war, based on achievemen­t or rank,” aniya.

Kinilala din ni Perez ang kahalagaha­n ng “Parol” na kumakatawa­n sa lalawigan ng Pampanga.

Samantala, sinabi ni Perez na nakikipagu­gnayan na rin sila kay Ako Bicol Partylist Representa­tive Alfredo Garbin para mailagay ang memorabill­a ng namayapang aktor na si Manoy Eddie Garcia sa Museo de Legazpi.

Sinabi niya na kapag ito ay nangyari, ang memorabill­a ni Eddie Garcia tulad ng costumes, awards at marami pang iba ay i-exibit sa museum.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines