Balita

4 polio cases, naitala pa – DoH

- Mary Ann Santiago

Apat pang bagong kaso ng polio ang naitala ng Department of Health (DoH) kaya umakyat na sa 16 ang kabuuang bilang ng polio cases sa bansa, simula nang ideklara ang outbreak noong Setyembre 2019.

Ayon sa DoH, iniulat ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) ang dalawang karagdagan­g bagong kaso ng sakit mula sa Maguindana­o, na kapwa lalaki at nagkaka-edad ng dalawa at tatlong taong gulang lamang; isang kaso mula sa Sultan Kudarat, na isang dalawang taong gulang na batang lalaki; at isang 3-taong gulang na batang lalaki na mula naman sa Quezon City.

Ang apat na paslit ay pawang nakitaan ng lagnat, pagtatae, pananakit ng kalamnan, asymmetric ascending paralysis at panghihina ng mga paa at kamay.

Kaugnay nito, patuloy namang hinihikaya­t ng DoH ang publiko na pabakunaha­n ang kanilang mga anak laban sa polio.

Una nang inanunsiyo ng DoH na pinalawig nila ang isinasagaw­ang Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) campaign upang matiyak na walang batang hindi mababakuna­han laban sa sakit.

Nakatakda ang mga susunod na pagbabakun­a mula Enero 20 hanggang Pebrero 2, sa Mindanao region, at mula Enero 27 hanggang Pebrero 7 sa National Capital Region (NCR).

“I urge all parents and caregivers of children under five years old to take part in the coming SPKP campaign rounds scheduled in your respective areas. Have your children, including those with private physicians or pediatrici­ans, vaccinated with oral polio vaccine by health workers and bakunators. Additional polio doses can provide additional protection to your children. There is no overdose with the oral polio vaccine,” ani Duque.

“All health facilities must promptly report every case of AFP in any child under 15 years of age and gather sufficient stool specimen samples. The outbreak must be put to a halt, and we can only do this if all our health facilities are achieving the targets for all AFP surveillan­ce indicators, and if every SPKP round, ALL of the target population are reached and vaccinated. The DOH, its partners, and the LGUs will continue to work hand-in-hand to ensure that no child is left behind in our fight against polio,” sabi ng opisyal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines