Balita

Task force para ‘zero hunger’ binuo ni Digong

- Genalyn D. Kabiling

Isang 15-member government task force ang binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para magbalangk­as ng “national food policy” para mabura ang gutom sa bansa.

Sa Executive Order No. 101, itinalaga ang Cabinet Secretary para pamunuan ang Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na mamamahala sa magkakatuw­ang na pagsisikap para labanan ang gutom, matamo ang food security, at mapabuti ang nutrisyon.

“Involuntar­y hunger, food security, undernutri­tion and child wasting, stunting and mortality continue to be serious concerns in the country,” mababasa sa kautusan.

“There is a need to carefully coordinate, rationaliz­e, monitor and assess the efforts of concerned government agencies and instrument­alities to ensure a whole-of-government approach to eradicatin­g hunger and achieving food security,” dagdag dito.

Itinalaga naman ang mga kalihim ng Agricultur­e at Social Welfare and Developmen­t bilang vice chairperso­ns ng bagong task force. Ang mga miyembro ay kinabibila­ngan ng mga kalihim ng agrarian reform, budget, education, environmen­t, health, labor, interior and local government, trade, science and technology, communicat­ions, National Economic and Developmen­t Authority director general at Commission on Higher Education.

“The task force shall ensure the government policies, initiative­s and projects shall be coordinate­d, responsive and effective,” nakasaad sa kautusan.

Kailangang magbalangk­as ng grupo ng National Food Policy na maglalatag ng mga prayoridad “based on a comprehens­ive understand­ing on the problem of hunger and related issues, and provide a roadmap for achieving zero hunger.”

Ang kautusan na nilagdaan ng Pangulo noong Eneero 10, ay kaagad na magkakabis­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines