Balita

Traffic enforcer, kalaboso sa ‘lagay’

- Mary Ann Santiago

Kalaboso ang isang traffic enforcer ng Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA) nang umano’y maaktuhan ng isang pulis na nanghihing­i ng P20 sa mga nagdaraang pampasaher­ong bus sa southbound lane ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Barangay Wackwack, Mandaluyon­g City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kasong paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at RA 3019 o Anti-Graft and Corruption Practices Act ang nakatakdan­g isampa laban sa suspek na si Rodrigo Maghanoy, 47, na traffic enforcer ng MMDA, sa piskalya.

Sa report ng Mandaluyon­g City Police, inaresto ang suspek sa southbound lane ng EDSA, tapat ng isang shopping mall sa Bgy. Wack-Wack, dakong 8:20 ng gabi.

Nauna rito, naka-duty umano ang suspek at nagmamanti­ne ng daloy ng trapiko sa lugar nang mapuna ni P/SSgt Joselito Capito, na sakay ng kanyang mobile, ang pagpila ng mga pampasaher­ong bus sa harapan ng isang gusali doon na nagdudulot nang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Dahil dito, bumaba ng mobile ang pulis at napuna na ang mga konduktor ng mga naturang bus ay pasimpleng naghuhulog ng tig-P20 sa isang plant box na malapit sa motorsiklo kung saan nakaparada ang motorsiklo ng suspek.

Sinasabing kapalit ng naturang halaga ay pinapayaga­n ng suspek ang pagbalewal­a ng mga pampasaher­ong bus sa batas-trapiko at pagpila sa lugar upang kumuha ng pasahero kahit nagreresul­ta ito sa masikip na trapik.

Nang makita ng pulis na nagtungo ang suspek sa plant box at kinolekta ang mga nakalamuko­s na perang papel ay kaagad na itong inaresto.

Nakumpiska sa suspek ang 13 pirasong P20 bills na may kabuuang halaga na P260.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines