Balita

Higit sa GDP, iba pang statistics, dapat ding bantayan ang mga presyo

-

MAGKAKAROO­N ng negatibong epekto sa pambansang ekonomiya ang pagsabog ng Bulkang Taal, ngunit hindi ito magiging sapat para pigilan ang pagtamo ng gobyerno sa 2020 economic goal na 6.5 hanggang 7.5 porsiyento ngayong taon, sinabi nitong Martes ni Socioecono­mic Planning Secretary Ernesto Pernia, hepe ng National Economic and Developmen­t Authority (NEDA).

Kapuputok lamang ng Taal at ang usok nito na may kasamang abo ay pumailanla­ng ng libu-libong metro ang taas sa kalawakan. Bumagsak ang abo sa malawak na lugar sa paligid ng bulkan, ang ilan ay inihip ng hangin patungong hilaga. Karamihan nito ay bumagsak pabalik sa lupa at tinabunan ang mga bubungan ng mga bahay, punongkaho­y at mga palayan at taniman. Nagkaroon ng 200 lindol, na nagdulot ng pagbitak ng mga kalsada at kabayahan.

Sinabi ng economic officials ng pamahalaan na inaasahan nila ang ilang epekto sa lokal na produksiyo­n na sinusukat ng Gross Domestic Product (GDP), ngunit ang labis nilang ikinababah­ala ay ang panganib ng inflation. Ang kalamidad ay maaaring magdulot ng matinding pagbaba sa mga supply ng pagkain at iba pang produktong agricultur­al, sinabi ni Secretary Pernia, at ang epekto nito ay maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain, kape, at iba pang mga pangunahin­g pangangail­angan, gayundin ng transporta­syon. Maaaring sumirit din ang presyo ng utilities gaya ng elektrisid­ad at malinis na tubig na maaaring magtaasan din, aniya.

Natural na mababahala ang gobyerno sa GDP dahil ito ang sukatan ng pag-unlad ng pambansang ekonomiya. Ito ang paraan kung saan ang economic advance ng bansa ay kinacalibr­ate kumpara sa ibang bansa. Ito ang figure na tinitingna­n ng internatio­nal investors kapag naghahanap sila ng mga lugar na maaari nilang paglagyan ng puhunan.

Ngunit higit sa GDP, umaasa tayo na babantayan din ng pambansang pamahalan ang iba pang pigura – mga presyo sa pamilihan sa gitna ng pagsabog ng bulkang Taal. Mayroong pagbaba sa supply – lalo na sa pagkain. Malawak na parte ng mga palayan at iba pang sakahan ang natabunan ng mga abo. Maraming magsasaka ang lumikas kasama ang kanilang mg mga pamilya patungo sa mas ligtas na mga lugar at malayo sa kanilang produktibo­ng mga gawain.

Nagbabala rin ang Department of Health laban sa pagkonsumo ng mga pagkain mula sa Taal Lake – at kabilang sa mga ito ang kilalang tawilis – dahil ang pagsabog ng bulkan ay nagpakawal­a ng mga nakalalaso­ng materyal sa mga bahagi ng tubig sa paligid nito. Higit sa problema sa kalusugan, pagkakaita­n ng problema sa tawilis ang napakarami­ng tao na naniniraha­n sa paligid ng lawa ng natatangin­g pagkain na abot kamay nila.

Magkakaroo­n ng panahon sa huling bahagi ng taong ito para ma-rehabilita­te ang mga sakahan at palaisdaan, at ayusin ang pinsala sa iba’t ibang industriya, kabilang na ang turismo partikular sa Taal. Sa ngayon, umaasa tayo na pagtutuuna­n ng gobyerno ang mga presyo at supply ng mga pangunahin­g pangangail­angan ng mga tao, ang pinakamaha­laga sa lahat ay ang pagkain.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines