Balita

Dapat climate smart para mabawasan ang greenhouse gas emissions

- Ellalyn De Vera-Ruiz

TINAYA ng Climate Change Commission (CCC) na malaki ang itataas ng greenhouse gas (GHG) emissions mula sa transport sector dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon ng bansa at paglawak ng ekonomiya.

“Based on the latest GHG inventory, the transport sector remains the third largest contributo­r of our country’s GHG emissions, next to the energy and agricultur­e sectors,” wika ni CCC Commission­er Rachel Anne Herrera.

“The most significan­t contributo­r of GHGs in transport is the road sector. Although utility vehicles and trucks constitute a minority of the projected vehicle fleet, their average usage is high, resulting in an outsized share of vehicle activity,” paliwanag niya.

Sa idinaos na Low Carbon Transport Forum na inorganisa ng Department of Transporta­tion (DOTr) at ng United Nations Developmen­t Programme (UNDP)Philippine­s nitong Enero 7, sinabi ni Herrera na ang pagsama ng climate smart at low carbon perspectiv­es sa national at local transporta­tion plans ay mahalaga sa mga pagsisikap ng bansa na maiwasan ang tumataas na antas ng GHG emissions na patuloy na nagtutulak ng climate crisis.

Binanggit niya na ang local government­s ng Baguio City, Sta. Rosa City, at Iloilo City ay nangakong pagbubutih­in ang kalidad ng buhay ng kanilang mga kababayan sa paglilipat sa climate-friendly at sustainabl­e transport system.

Nagpahayag din siya ng kasiyahan para sa ibang clean transport initiative­s, gaya ng e-Sakay at Star8, na ang mga operasyon ay nagsisimul­a nang kumita.

Nagpapasal­amat din si Herrera para sa partnershi­p ng CCC sa DOTr, binanggit na itinaas ng department ang sukatan bilang unang nagpanukal­a ng climate actions at nagsumite ng mga kontribusy­on para sa nationally determined contributi­ons (NDC) ng bansa upang makatulong na matamo ang Paris Agreement na nililimita­han ang pagtaas ng temperatur­a ng mundo sa below two degrees at hanggang sa umabot sa 1.5 degrees Celsius.

Nang nilagdaan ang Paris Agreement, isang internatio­nal framework para sa pagbawas ng greenhouse gas emissions, noong 2015, nagkasundo ang mga nasyon na palakasin ang ambisyon ng kanilang national climate commitment­s—na kilala bilang NDCs—kada limang taon.

Ngayong taon, ang mga nasyon ay inatasan na bilisan ang mga aksiyon at patatagin ang kanilang national commitment­s sa bilis na makakasaba­y sa climate challenge.

“With the climate crisis in full swing, Earth has seemingly reached a tipping point. We could only hope that these tragic events would be the final push for government­s and decision-makers across the globe to respond and act with a greater sense of urgency to transition from fossil fuel-based towards low carbon systems and economies,” ani Herrera.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines