Balita

Humingi ng tawad ang sambayanan

- Ric Valmonte

PUMUTOK ang Taal Volcano nitong nakaraang linggo. Nagbuga ng makapal na usok at abo na naging makapal na putik o mabigat na tuyong alikabok na bumalot sa halos ikatlong bahagi ng probinsiya ng Batangas, karamihan ay malapit sa lawa. Nawalan ng kuryente ang halos 11 munisipyo at siyudad kabilang ang

Talisay, Laurel, Agoncillo, San Nicolas, Sta. Teresita, Mataas na Kahoy, Balete at Tanauan dahil higit silang naapektuha­n ng ashfall. Bumagsak ang mga punongkaho­y. Nagiba ang ilang mga bahay. Naging ghost town ang Agoncillo pagkatapos na lumikas ang halos 38,000 residente at iwan ang kanilang bahay, ari-arian at alagang hayop. Ganito rin ang naging kalagayan ng bayan ng Talisay. Patuloy na lumilikas ang mamamayan ng iba pang mga lugar patungo sa mga evacuation center. Ayon kay Gov. Mandanas ng Batangas, may mga 500,000 niyang kababayan ang tumuloy sa Cavite, Laguna at Quezon. Nagkairing­an ang mga sundalo at pulis at may ilang residente nang magtangka silang bumalik sa kanilang mga tahanan nang makaramdam sila ng paghupa ng bulkan para alamin ang kalagayan ng kanilang bahay at pakainin ang mga alaga nilang hayop.

Dito sa Katimugang bahagi ng Luzon lumipat ang kalamidad pagtapos na hagupitin nito ang

Mindanao at Visaya. Sa loob ng ilang linggo, tatlong magkasunod na lindol ang yumanig sa Mindanao. Ang huli ay siyang pinakamala­kas at sumira nang lubusan ng mga ari-arian. May lugar na nahiwalay at mahirap marating ng tulong. Hinagupit ng bagyo ang Kabisayaan na nagdulot ng mga pagbaha. Kung ang ano dinaranas ng mga kababayan natin sa Katimugang Luzon ngayon bunsod ng pagputok ng bulkan, ganito rin ang dinanas ng mga nasa Mindanao at Visaya. Hirap, gutom at takot. Natulog sa mga evacuation centers, ulanin at arawin sa kalye. Naunang naranasan ng ating mga kababayan ang ganitong kahirapan nang salakayin ng mga sundalo ang Marawi at paulanan ng mga bomba ang umano ay pinagkakak­utaan ng mga terorista.

Sa panahon ni dating Pangulong Marcos, ang alam ko lang na naganap na kalamidad ay ang pagbaha sa Gitnang Luzon na nagtagal ng kung ilang linggo. Nangyari ito bago niya ideklara ang martial

law. Ang mga sunod-sunod na kalamidad, higit na malupit kaysa pagbaha sa panahon ni Pangulong Marcos, ay nangyari pagkatapos magdeklara ng martial law si Pangulong Duterte sa buong Mindanao at salakayin at bombahin ng mga sundalo ang Marawi.

Sa Batangas, nagsagawa ng misa at humingi ng awa sa Panginoon ang mga tag-Batangas. Ang higit na kailangan marahil ay ang humingi ng kapatawara­n ang buong sambayanan sa Panginoong Diyos sa ginawang pag-alipusta sa Kanya. Maaaring hindi sa iyong bibig nagmula ito, pero kinusinti mo at nakisaya ka sa gumawa nito, parang ikaw na rin ang gumawa nito. Sa mga mananampal­ataya, hindi bengatibo ang Diyos, maunawain at mabait siya at mapagpataw­ad. Subalit, may bahagi naman sa kasaysayan ng sangkatauh­an, na pinairal niya ang kanyang kapangyari­han upang ipaalam na tayong mga tao ay kanya lamang nilkha.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines