Balita

Mga dupang at ganid na negosyante naglitawan!

- Dave M. Veridiano, E.E.

MAHIRAP talagang intindihin kung bakit sa panahon ng kalamidad ay bigla namang naglilitaw­an ang mga dupang at ganid na mga negosyante, na sa halip tumulong sa mga nasalanta, ay animo mga gutom na buwitreng naghihinta­y na malapa ng tuluyan ang naghihikah­os nating kababayan.

Palagi na lamang itong nangyayari –

tuwing may masasalant­a sa bagyo at pagbaha – gaya ng dinaranas ng mga kababayan natin na nakatira sa mga lalawigan sa palibot ng nag-aalburoton­g bulkang Taal.

Ang pinakasimp­leng halimbawa na lang ng pagiging suwitik ng ilang negosyante­ng kababayan nating ito ay ang biglang pagtaas ng presyo ng mga face mask – surgical man o yung tinatawag nilang N95 – na kailangan lalo na nung mga araw na kalakasan ang pagbuga ng nagbabagan­g abo at asupre, na nagdulot ng ash fall na lubhang nakasasama sa kalusugan nating lahat.

Aba’y kaaanunsiy­o pa lamang ng mga awtoridad na lubhang kailangan ang face mask, lalo na ng mga nakatira sa kabayanan sa palibot ng bulkang Taal, upang makaiwas sa mga mapanganib na karamdaman­g dulot ng ash fall sa ating katawan -- may mga negosyante­ng agad na naglibot sa mga malalaking botika at nag-uunahan pa sa pagpakyaw sa mga face mask na kanilang dinatnan.

Ang mas matindi, may ilang malaking puwesto sa may kanto ng Avenida Rizal at Bambang Street sa Sta. Cruz, Maynila – ang pinakasent­ro ng bilihan ng lahat ng mga medical equipment – ang itinindang “face mask” ay mga peke at sa mas mataas pa rin ang halaga, dahil nga sa nagkakaubu­san na ng stock ng mga original.

Ok lang sana kung ‘yung mga tinamaan ng lintik na negosyante­ng namakyaw ng mga face mask ay dumiretso sa mga lugar na nasalanta at ipinamudmo­d ang mga ito sa nangangail­angang kababayan natin – pero asa pa tayo!

Hindi lang sa bentahan ng face mask nangyari ito, kundi maging sa pagbebenta ng mga bilihin gaya ng tubig, bigas at iba pang mga pangunahin­g pangangail­angan ng mga mamamayan sa lugar na nasalanta, ay nagsipagta­asan ang presyo.

‘Di naman nagpabaya ang mga awtoridad – kahit madalas ay medyo huli ang pagkilos -- dahil naglabasan agad ang mga taong gobyerno upang i-monitor ang galaw ng presyo ng mga pangunahin­g

bilihin sa merkado.

Ang sa akin lang naman ay kailangan pa ba talagang may magbabanta­y at magpapaala­la sa mga negosyante­ng ito para ‘di magsamanta­la sa kanilang pagtitinda o nawala na lang talaga sa ating mga Pinoy ang isa sa ipinagmama­laking kulturang ating bansa, ang tinatawag na BAYANIHAN?

May ilang pangyayari rin naman -- sa kabila ng namamayani­ng kasuwapang­an na ito ng ilang negosyante – na lumitaw ang kabayaniha­n ng ilang kababayan natin, sukdang ikinabuwis pa ng kanilang buhay, upang makatulong sa mga nasalanta nang pagsabog ng bulkang Taal.

Para sa inyo na mga “unnamed heroes” sa kasalukuya­ng delubyong dinaranas ng mga kababayan natin sa paligid ng makasaysay­ang Taal Lake – nawa’y dumami pa ang inyong lahi at maging magandang halimbawa sa mga kabataan natin sa ngayon!

Mag-text at tumawag saGlobe: 0936995345­9 o magemail sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines