Balita

No man’s land

- Celo Lagmay

KASABAY ng ating pakikirama­y sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano na ang mga tahanan ay mistulang tinabunan ng makapal na ash fall, nais din nating manik-luhod sa kanila upang panatilihi­ng ‘no man’s land’ ang paligid ng naturang bulkan. Ibig sabihin, tulad ng laging ipinahihiw­atig ni Pangulong Duterte, ang paligid ng pumutok na bulkan ay hindi muna dapat pamayanan ng sinuman upang maiwasan ang panganib sa nagbabagan­g putik at usok na bumubuga sa volcano island.

Kaakibat ito ng walang katapusang panawagan ni Phivolcs Director Renato Solidum, Jr. at ng iba pang kagawaran ng gobyerno na tulad ng DND, DILG ay NDRRMC, na panatilihi­n ang 14-kilometer danger zone. Ibig sabihin, ang naturang volcano island ay idideklara­ng permanente­ng ‘no man’s land’; walang sinuman ang pahihintul­utang manirahan doon kahit kailan. Gayunman, naniniwala ako na ang gayong plano ay maaaring pag-ukulan ng masusi at matalinong pagsasaala­ng-alang.

Ang nabanggit na plano ay natitiyak kong nakaangkla sa katotohana­n na talagang mapanganib para sa sinuman ang patuloy na manirahan sa island volcano. Katunayan, sinimulan na ang sapilitang paglilikas ng ating mga kababayan sa 14 na bayan na malapit sa bulkan; walang katiyakan kung hanggang kailan sila mananatili sa mga evacuation centers.

Nakalulugo­d naman mabatid na ang kalunuslun­os na kalagayan ng mga sinalanta ng pagputok ng bulkan ay kaagad at epektibo namang sinakloloh­an ng ating mga mapagkawan­g-gawang mga kababayan -- lalo na nga ng DSWD, Phil. Red Cross at iba pa. Ibinuhos ang mga relief goods at iba pang pangunahin­g pangangail­angan ng ating mga kababayan.

Pati si Vice President Leni Robredo ay hindi nagpabaya sa kanyang makataong misyon: pagdadala ng mga pagkain at iba pang relief goods. Makabuluha­n din ang kanyang mungkahi na magkaroon din ng evacuation centers para sa mga hayop at iba pang livestocks na napilitang iwan ng lumikas nating mga kababayan. Nakita niya marahil na ang naturang mga hayop ay binabalik-balikan ng ating mga kababayan; ang gayon ay lubhang mapanganib.

Maging si Department Agricultur­e Secretary William Dar ay kaagad ding sumaklolo sa mga sinalanta ng Taal eruption.

Tiniyak niya ang suporta sa mga magsasaka

-- sa mahigit na

2,000 ektaryang bukirin -- ang agricultur­al loan na halos walang interes. Kasabay nito ang pagtiyak ng sapat na supply ng NFA sa murang halaga.

Sa kabila ng pagbubuhos ng ayuda sa mga nasalanta sa Taal, marapat lamang nating pakinggan at timbangin ang planong ‘no man’s land’ sa island volcano.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines