Balita

Luis Manzano, bumuwelta sa netizens na bumabatiko­s sa pagbebenta niya ng mask

- Ni ADOR V. SALUTA

HINDI pinalampas ng TV host-actor na si Luis

Manzano ang pag-atake sa kanya ng isang netizen patungkol sa pananamant­ala diumano nito sa “overpriced” na pagbebenta ng isang specialty mask. Ang naturang mask sensation ay naganap pagkatapos pumutok ang Taal Volcano nitong Enero 12.

Sa kanyang Twitter account nitong Lunes, ni-repost ni Luis ang tweet mula sa netizen na kinuwestyo­n siya sa pagbebenta ng Cambridge masks, na sinasabing gumagamit ng “The British Military Grade filtration technology to filter out nearly 100 percent” ng airborne particles gaya ng mga ibinubuga ng Bulkang Taal sa Batangas, sa halagang P690 sa pagsabing, “Are you even real?”

Sumagot si Luis sa pagpaskil ng screenshot­s ng price list ng kanyang supplier may 15 linggo na ang nakalipas, na nagpapakit­ang ibinebenta niya ang mask sa parehong presyo bago pa man pumutok ang Taal nitong Linggo.

“These were our supplier’s prices 15 weeks ago, so did we hoard ba? Nope! Nagtaas presyo ba? Nope! Did we take advantage of the situation? Nope!” aniya.

Samantala, bumuwelta rin si Luis sa isang netizen na nagsbaing kahit na hindi overpricin­g ang kanyang ginagawa, ay sinasamant­ala pa rin niya ang sitwasyon sa pagbebenta ng kanyang mga produkto sa gitna ng iniulat na masks shortage sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Taal.

“Actually, you did take advantage for the thought na nagawa mo pang mag-market ng products niyo and ngumawa diyan sa Twitter. Nang-away ka pa ng mga tao instead of extending your help. These are even your constituen­ts who are affected. Bummer that you’d rather earn than help,” isinulat ng nasabing user.

Ang sagot ni Luis: “Ineng, hindi lahat ng tulong kelangan makita, kung gusto mo ipakita--very good. Kung ayaw mo ipakita--very good rin. Ang kaya lang kasi ng utak mo social media, ‘di mo gets na may buhay sa likod ng lahat ng ‘to. 2020 na kami, nasa 19tanga ka pa.”

Sa kalaunan, Luis wished for everyone to “stay safe and alert” dahil posibleng lumala ang sitwasyon anumang oras, “but let’s pray for the best.”

“God bless the Batangueno­s and everyone affected!” dalangin pa ng TV host.

 ??  ?? Luis
Luis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines