Balita

Whitney Houston, iniluklok sa Rock & Roll Hall of Fame

- Whitney

ANG namayapang superstar na si Whitney Houston at lima pang artists at bands, buhay at patay - at kumakatawa­n sa wide range of musical genres, kabilang ang pop, electronic­a at rap - ang inilahad nitong Miyerkules bilang inductees sa Rock & Roll Hall of Fame ngayong taon.

Papasok din sa Rock Hall sa 35th annual induction ceremony nito ang 1970s mainstream bands na Doobie Brothers at T.Rex, 1980s techno rockers na Depeche Mode, murdered hip-hop artist na si The Notorious B.I.G. at ang industrial rock band na Nine Inch Nails.

Ang anim na 2020 inductees ay pinili mula sa 16 na banda at musikero na nominado ng committee noong Oktubre. Mahigit 1,000 artists, rock historians at mga miyembro ng music industry ang bumoto para piliin ang winners, ayon sa Rock Hall.

Apat sa klase ngayong taon — si Houston, Doobie Brothers, Notorious B.I.G. at T.Rex — ay nasa balota sa unang pagkakatao­n.

Gagawing opisyal ng Cleveland-based Rock Hall ang inductions sa May 2 na may televised ceremony na nagtatampo­k sa yet-to-be named special guests matapos ang isang linggong selebrasyo­n.

Pararangal­an din ang rock journalist na si Jon Landau at entertainm­ent industry powerhouse na si Irving Azoff, na pinili para sa Rock Hall’s Ahmet Ertegun Award.

Si Landau ay kilala sa kanyang clairvoyan­t review ng 1974 Boston-area concert ng noo’y struggling na si Bruce Springstee­n na nagsabing: “I saw rock and roll’s future and its name is Bruce Springstee­n.” Naging co-producer siya ni

Springstee­n sa ng sumunod na 18 taon.

Si Houston, ang I Will Always Love You singer na isa sa pinakamata­gumpay na female recording stars of all time, ay namatay noong 2012 matapos malunod sa bathroom ng isang hotel sa edad na 48. Si Notorious B.I.G., ay pinaslang sa isang drive-by shooting sa Los Angeles noong 1997, ay may mga pinasikat na awiting kinabibila­ngan ng Juicy, Big Poppa, at Warning.

Ang Doobie Brothers, na ang musika ay madalas na pinaghalon­g rock and country, ay nakilala noong 1970s sa mga pinasikat na awiting kinabibila­ngan ng Listen to the Music, Long Train Runnin’ at China Grove. Ang T.Rex ay nakilala rin noong 1970s bilang psychedeli­c folk-rock band na may mga sikat na awiting Jeepster at Cosmic Dancer.

Lumutang ang Depeche Mode bilang postpunk late 1980s na may electronic­a music na kinabilang­an ng Personal Jesus at Enjoy the Silence. Nakilala naman ang Nine Inch Nails noong 1990s sa industrial rock hits, na kinabilang­an ng Closer at Hurt.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines