Balita

Billie Eilish tinawag na ‘huge honor’ ang James Bond theme song

-

SINABI ng American teen pop sensation na si Billie Eilish nitong Martes na isang karangalan para sa kanya na mapiling magsulat at magrekord ng theme song mula sa upcoming James Bond film na No Time to Die.

Si Eilish, 18, nagsulat ng awitin kasama ang kapatid niyang lalaki na si

Finneas O’Connell, ang magiging pinakabata­ng artist in history to take on the task, susunod sa mga yapak ng musicians tulad nina Adele, Madonna, at Paul McCartney, sinabi ng producers sa isang post sa official @007 Twitter account.

Ang No Time to Die, ang 25th film sa James Bond series, ay mapapanood sa mga sinehan sa Abril kasama si Daniel

Craig na muling gagampanan ang papel ng British secret agent sa ikalima at huling pagkakatao­n.

Ang alternativ­e pop star na si Eilish ay nagkaroon ng break out year nitong 2019, sa mga sumikat na awitin tulad ng

Bad Guy at All the Good Girls Go to Hell, at nominado para sa anim na Grammy Awards later this month, kabilang ang top prizes: album of the year at best

new artist.

“It feels crazy to be a part of this in every way. To be able to score the theme song to a film that is part of such a legendary series is a huge honor. James Bond is the coolest film franchise ever to exist. I’m still in shock,” sinabi ni Eilish sa isang pahayag.

Isinulat at inirekord ni Eilish ang karamihan ng kanyang debut studio album na When We Fall Asleep,

Where Do We Go? Kasama ang kapatid na si Finneas, 22, sa isang maliit na silid sa kanilang bahay sa Los Angeles area.

“Writing the theme song for a Bond film is something we’ve been dreaming about doing our entire lives,” sinabi ni Finneas sa isang pahayag.

Ang theme song ni Adele para sa 2012 Bond movie na Skyfall ay nanalo ng Oscar, Grammy at Golden Globe award, habang ang awitin ng British singer na si Sam Smith para sa Spectre ang nag-uwi ng best original song Oscar noong 2016.

 ??  ?? Billie
Billie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines