Balita

“Volcano” Alcano, sasargo sa P1 Million 10-ball Open

-

TAMPOK si dating double world champion Ronato “Ronnie” Alcano sa money-rich Manny Pacquiao Valentines 10-ball Open Championsh­ip na sasargo sa Pebrero 3 hanggang 14, 2020 sa SM City sa Bacolod City.

Ang cue artist mula Los Banos, Laguna ay nagkapanga­lan sa billiard circuit matapos parehong mapanaluna­n ang titulo sa 2006 WPA World Nine-ball Championsh­ip at sa 2007 WPA Eight-ball Championsh­ip.

Bukod kay Alcano na kilala sa tawag na Volcano sa pool world, ang iba pang Leading the list sa participan­ts ay sina 2017 World Pool champion Carlo Biado, 2015 Manny Pacquiao (MP) 10-ball champion Jericho Bañares, former All Japan winner Lee Van Corteza, Johann Chua, Jeffrey Ignacio, Isarel “Amay” Rota at Eric “Billiard Cop” Bayhon.

Ang torneong ito na presented sa Manny Pacquiao Promotions kaagapay sa pag organisa sina tournament organizer Mary Grace Tambasen at tournament director Michael Feliciano, ipapatupad ang double knockout format na may nakalatag na total pot prize P1 Million.

“Renowned billiard players will gather in Bacolod City for the big billiards competitio­n in the Visayas.” sabi ni tournament organizer Mary Grace Tambasen, kilala sa tawag na Precious o Princess Za sa pool world na Bachelor of Science in Psychology graduate mula University of Negros Occidental-Recoletos (UNO-R).

Nakataya sa singles event ang P150,000 champion’s purse habang maisusubi naman ng runner-up place ang P75,000. Matatangap naman ng third at fourth placers

ang tig P30,000 habang ang fifth hanggang eighth ay magbubulsa ng tig P15,000 at ang ninth hanggang 16th ay mag-uuwi ng tig P5,000.

Sa doubles category, ang tatanghali­ng kampeon ay magkakamit ng P200,000 habang ibubulsa naman ng runner-up ang P100,000 at nakalaan sa third hanggang fourth placers ang tig P40,000. May pabuya din sa Fifth hanggang Eight placers na tig P25,000 habang ang ninth hanggang 16th placers ay tatangap ng tig P15,000.

Ang Registrati­on fee sa singles event ay P2,000 habang ang entry fee para sa doubles category ay P4,000. Sa detalye ay mag pm sa facebook kina tournament organizer Mary Grace Tambasen at tournament director Michael Feliciano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines